LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pagbibigay ng malinis, maayos at matiwasay na pamilihan sa mga mamamayang Lucenahin ang mandatong patuloy na tin...
Sa harap ng mga kawani ng lokal na pamahalaan , tiniyak ni Palomar na napapamahalaan nang mabuti ng kanilang opisina ang pagpapalakad sa bagong public market ng lungsod.
Kabilang na umano rito ang patuloy na pagpapatupad sa no plastic policy na pinasimulan noong nakaraang buwan ng Pebrero.
Tinitiyak rin ng kanilang tanggapan ang maayos na pagmementina ng mga kagamitan sa gaya ng escalator at price monitoring wall gayundin pagdtaing sa supply ng tubig at kuryente sa pamilihan.
Anito, bagamat may mga pagkakataon na nagkakaroon ng water at electricity interruption sa public market, tinitiyak naman ng kanilang opisina na sa loob lamang ng 12 oras ay natutugunan ito.
Kung hindi naman daw dahil sa pakikiisa ng mga maninindahan at ng mga market vendors association, hindi magiging matagumpay ang kanilang panganagsiwa sa isinagawang longest noodle boodle fight noong nakaraang buwan ng mayo.
Sa pamamagitan naman ng 17 cctv cameras na nakalagay sa palibot ng pamilihan, naiiwasan rin umano ang pagkakaroon ng di kanais-nais na insidente gaya ng mga nakawan at salisihan.
Sa tulong rin ng kapulisan, maayos na napamahalaan ng public market ang itinayong mga tiangge noong nakaraang undas, kapaskohan at bagong taon na nagbigay ng kumbinyenteng pamilihan para sa mga mamimili at magandang kita sa mga maninindahan.
Sa pamamagitan rin umano ng pakikipagtulungan ng kanilang opisina sa city treasurer’s office, lumobo ang kita ng kanilang tanggapan sa pagtatapos ng taong 2018 na umabot sa halos 26 milyong piso.
Kaugnay nito ay nagpahayag ng pasasalamat si palomar kay Mayor Dondon alcala na laging sumusuporta at tumutugon sa lahat ng mga pangangailangan ng kanilang opisina gayon rin sa lahat ng mga kasamahan niya sa kanilang opesina na katulong niya sa pagpapatupad at pagbibigay ng isang maayos, maganda, at kumbinyenteng pamilihan sa mga mamamayang Lucenahin. (Pio Lucena/ C. Zapanta)