Editorial Nakakakilabot ang nagaganap na kambal na pagpapasabog sa Jolo, Sulu kung saan mahigit na sa 20 ang nasawi at nasa 80 ang na...
Nakakakilabot ang nagaganap na kambal na pagpapasabog sa Jolo, Sulu kung saan mahigit na sa 20 ang nasawi at nasa 80 ang nasugatan.
Galit at dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang magkasunod na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, noong Miyerkules ng gabi, Enero 30. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, security lapses o kapabayaan mula sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kung kaya nakalusot ang pagsabog.
Sa kabila kasi aniya ng umiiral na martial law sa Mindanao at activation ng 11th infranty division sa Jolo, Sulu, nakapuslit pa rin ang mga kalaban at naghasik ng terorismo sa lugar.
Ang pagpapasabog ay naganap sa mismong loob at labas ng simbahan kung saan may nagaganap na isang banal na misa.
Hindi pa naman naistablish ng mga kinauukulan ang sanhi, ang motibo at ang mga taong responsable sa karumal-dumal na krimen, isang mosque na naman sa Zamboanga City ang pinasabog noong Miyerkules ng gabi, Enero 30 kung saan dalawang (2) Muslim missionary ang namatay at apat (4) nitong kasamahan ang malubhang nasugatan.
Habang sinusulat ang editoryal na ito, nangangapa pa rin ang mga awtoridad kung sino ang mga salarin, at bakit na naman naganap ito.
Ginagawa naman umano nila ang dapat gawin. Oo naman. Kaya lang, bakit kaya sila nalulusutan? Ano ba ang kulang?
Dapat siguro, paigtingin pa ang intelligence operation at security measures diyan sa Mindanao.
Ang dami na ring mga sundalong nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan ng Mindanao, sana naman ay hindi iyon masayang, at mabigyan sila ng katarungan.
Ang mga gumagawa ng krimen na iyan, siguradong mga atis (atista, hindi naniniwala sa Diyos), mga barbaro. Simbahan at mosque ang inatake, mga tahanan ng Diyos. Kaya dapat, lipulin sila.
Tama si Digong, ALL OUT WAR NA. Hinahamon na kasi ang Pangulo. At habang nasa poder siya, dapat nga protektahan ang mga mamamayan, katoliko man o muslim.
Tulungan nawa tayo at iligtas ng Diyos.