Pagtulung-tulungan sana natin ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice Law bago pa man ito baguhin. Ito ang ...
Pagtulung-tulungan
sana natin ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice
Law bago pa man ito baguhin.
Ito
ang naging pahayag ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, chairperson ng Committee
on Social Welfare, sa kanyang isinagawang pribilehiyong pananalita sa idinaos
na regular na sesyon kamakailan.
Kaugnay
ito sa panukalang ibababa ang edad ng mga batang maaaring panagutin sa batas,
mula sa edad labinglimang taon ay magiging labindalawang taon na lamang ito.
Kung
kaya’t hinihikayat ng konsehala ang iba pang mga miyembro ng konseho na mas pag-aralan
pa at unawain ang Juvenile Justice Law na siyang umiiral na batas sa
kasalukuyan upang mapag-isipan na rin kung nararapat lang ba at napapanahon ang
panukalang baguhin ito.
Ayon
sa inilahad ni Llaga, ang naturang batas aniya at nakabase sa prinsipyong
restorative justice na hindi nagsasabing walang kaparusahang ibibigay sa mga
batang nagkamali.
Dagdag
pa nito, wala aniyang magulang ang naniniwalang hindi dapat itama ang maling
ginagawa ng isang anak. Bagkus ito pa ay naghahangad ng hustisya para sa
biktima, pagkakasundo ng biktima at batang nagkasala at muling integrasyon ng
bata sa lipunan.
Inilahad
din nito ang ilan sa mga aspetong nakapailalim sa nabanngit na batas tulad ng
pagkakaroon ng komprehensibong polisiya at proseso ng mga ahensya ng pamahalaan
tulad ng DOJ, DSWD, DepED, DILG, NYC at iba pa, para sa mga batang nagkasala sa
batas.
Gayundin
ang bawat local government unit kasama ang bawat barangay ay dapat mayroong
Konseho para sa proteksyon ng mga kabataan kaisa ng kanilang Juvenile Intervention
program.
Nakapaloob
din dito ang pagkakaroon ng youth detention homes, agricultural camps, training
facilities at youth rehabilitation centers at mga social workers na magbibigay
tulong sa mga kabataan at sa knailang pamilya.
Ngunit,
ayon kay Llaga, tila bigo ang batas sa pagtugon ng isyu hinggil sa mga
kabataan.
Dahilan
na rin aniya sa patuloy na paglutang ng mga krimen na sangkot ang kabataan,
taong 2013 ay binago ang RA 9344 na nagsasaad ng pagkakaroon ng Bahay Pag-asa
na magbibigay ng malalimang pamamagitan at suporta sa mga Children in conflict
with the law.
Ayon
pa sa Konsehal, ang mga batang napatunayang gumawa ng mabigat na krimen tulad
ng pagpatay, panggagahasa at paglabag sa comprehensive drugs act ay
kinakailangang dalhin sa bahay pag-asa upang magabayan at subukan na baguhin
ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Binigyang
pansin rin ni Llaga ang usapin kung sapat nga ba ang bahay pag-asa na mayroon
ang bansang Pilipinas sa kasalukuyan.
Ayon
sa datos, tinatayang nasa limampu’t limang bahay pag-asa lamang ang mayroon sa
bansa na matatagpuan lamang sa mga major cities.
Sa huli ay ninanais nito ang masusing pag-aaral
at mahigpit na pagpapatupad sa batas na pinaiiral ngayon sa bansa, ang RA 9344
o Juvenile Justice Law. (PIO-Lucena/M.A. Minor)