Naglipana ang iba’t ibang opinion ng mga Pilipino hinggil sa pagpapababa ng edad ng mga kabataang maaaring mapanagot sa batas mula sa edad l...
Sa kasalukuyan mayroon ang bansa na batas na RA 9344 na naglalaman ng naturang usapin. Nakapaloob sa RA 9344 o Juvenile Justice Law ang ilang aspeto kabilang na ang pagkakaroon ng komprehensibong polisiya at proseso ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng DOJ, DSWD, DepEd, DILG, NYC at iba pa, para sa mga batang nagkasala sa batas o ang tinatawag na Children in confict with the law.
Kaalinsabay din nito ang pagkakaroon ng bawat local governmrnt unit kasama ang bawat barangay sa ilalim nito, ng konseho para sa mga kabataan kaisa ng kanilang Juvenile Intervention program.
Bahagi rin nito ang pagkakaroon ng mga pasilidad tulad ng detention homes, training facilities at rehabilitation centers na makatutulong para sa mga CICLs.
Matatandaang taong 2013 naman ay binago ito na nagsasaad naman ng pagkakaroon ng Bahay Pag-asa na magbibigay ng malalimang pamamagitan at suporta sa naturang mga kabataan.
Sa naging pahayag ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, sa puntong ito aniya ay tanging limampu’tlimang bahay pag asa lang ang naitatayo sa bansa, mga pasilidad na maaaring hindi ganoong ka sapat para sa mga kabataang maaaring manatili dito.
Kung kaya’t para sa kaniya ay mas mainam na ayusin na lang muna ang implementasyon at pagpapatupad ng kasalukuyang batas imbes na ito ay baguhin pa sa pamamagitan ng pagpapapababa ng edad.
Ang mga prosesong ito tulad ng intervention o diversion program ay maaaring makatulong aniya sa mga ito para mabago ang takbo ng knaialng buhay at malaman nilang mali ang mga ginawa upang matulungan silang maitama ito gayundin ay upang mabigyan sila ng pagkakataong makapagbagong buhay.
Ibinahagi rin ni Llaga ang ilang argumento ng mga child advocates hinggil sa usapin, ayon kasi umano sa isang pag-aaral sa siyensya, hindi pa agad nagiging buo o fully developed ang pag-iisip ng isang indibidwal hanggang sa ito ay dumating sa edad dalawampu.
Dahil dito, maaaring hindi pa gaanong nauunawaan ng ilan sa mga ito ang kanilang ginawa.
Bagay na kailangang bigyan ng pansin upang tulungan ang mga CICL na makapagbago at hindi tuluyang ilubog sa kanilang pagkakasala.
Ngunit, anu pa man ang kahinatnan ng pagbabago ng batas, ang pagpapalaki at tamang paggabay pa rin ng mga magulang ang siyang dapat paigtingin nang sa gayun ay hindi maligaw ng landas ang kanilang mga anak. (PIO-Lucena/M.A.Minor)