Nakapanayam ng Sentinel Times News Correspondent si Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez sa kanyang opisina upang malaman ang kanyang ...
Office of the Governor Provincial Capitol, Lucena City – Nagsimula ng magbunga ang paghahanda para sa mga investors ang lalawigan, kaya ng makapanayam ng Sentinel Times Weekly si Gov. David “Jayjay” Suarez ay ito ang kanyang sinabi…
“When it comes to issues of development, sino naman tayo para tumanggi sa ganitong mga opportunities na matutugunan natin ang unemployment sa probinsiya. Alam mo, pag magkakasama kaming mga governors, ah, iilan lamang ang mabibilang mo sa dalawang kamay mo ‘yong mapapalad na masasabi nating industrialized; like Laguna, Batangas, sa CALABARZON, pano tayo ay walang maipagmamalaki sa atin. Pag tayo ay pumunta up North, hanggang Clark Pampanga lang, but the rest is all rural, pag pumunta ka ng Visayas, ang masasabi lang na may industrial areas diyan ay Cebu, when you go down to Mindanao, ang meron lang dyan ay sa Cagayan de Oro, meron sa Davao, sobrang limited. So, kaming mga governors, nangangarap kami na sana ang mga probinsiya naming ay may ganito rin kase nakikita naming ‘yong disparity pagdating sa income, pagdating sa lifestyles ng tao. So, ito ay darating din sa atin dahil may gustong mag-invest. “Yong dollars na papasok, so bakit pa natin tatanggihan at iyon ang di ko maintindihan. Ang problema sa probinsiya natin maliban sa droga, is unemployment ng ating mga kababayan which results to poverty incidence natin. Ito ay pwede nating bigyang solusyon at pwede na nating tapusin ang kwento at mabigyan ng magandang bukas, bakit pa natin ito hahadlangan. Kaya ito ang medyo hindi ko nagugustuhan, tapos pagiisipan ka pa ng masama, yon ang di ko magustuhan sa mensahing nakaabot sa akin,” dagdag pa ni Gov. Suarez.
“Noong ini-evaluate naming yong proposal, it will create 20,000 – 30,000 jobs, atin kinakatukutan ko nga ay baka di natin kayang maibigay ang ganito kalaking job requirement, sa dami ng trabahong maibibigay nito. Kaya kami sa probinisya, since two (2) years ago, lahat ng mga scholarship program naming ang pinipilit nating i-aligned o maiakma ang kanilang kurso papunta sa nakikita naming mga trabaho na magiging available sa probinsiya. Para ma-address natin ang mismatching at ngayon ay pinalawak na natin ang scholarship program natin to re-enter into vocational courses.”
Tinanong natin si Gov. Suarez kung magkakaroon ng skilling sa labor force ng probinsiya at sinabi niya na…
“ Precisely, di ba? At pagka-graduate nila, konting training na lang at seminar, kaagad-agad ay employable na agad sila. Kasi ang kinakatakutan ko, itong mga industries na papasok sa atin ay baka naman makinabang pa ang mga taga ibang probinsiya… mahirap naman yon. So, sana, maging bukas ang kanilang isipan at malay naman natin sa ating mga kababayan natin na huwag nating hadlangan ang development… embraced natin because this is once in a lifetime opportunity. Because hindi lang ang probinsiya ang tinitingnan natin dito. Kung isipin ng mga investor na ganito pala dito sa Quezon, hindi pala kami welcome, ay lilipat na lang namin ang mga investments namin, so anong mangyayari sa atin? Di ba? Kasi, karapatan ng investors ito kung sa ibang probinisiya nila gustong ilagay ang kanilang investment tuland ng Cavite, or Batangas, so anong mangyayari sa atin… malalampasan na naman tayo ng panahon. So, yon lang ang personal stand ko dun.”
Natanong din si Gov. Suarez kung may kulay politika ang sinasabing pag-questioned sa nasabing investment ng San Miguel Corporation at sinabi nito na,
“ Ah, well, base sa nakapalibot, siguro meron kasi, isa yata sa organisasyon ay tungkol sa kalikasan at nakita naman natin ang membership nun, at yong mga past presidents nun ay naka-aligned lahat sa dilaw, so, hindi natin maiwasang mag-sip na nilalagyan na rin ito ng kulay politika. Kase, di ba ang investment na ito ng SMC ay plus points sa governance natin, eh, bilyong investment ang darating sa atin, and that speaks to, 1) mataas ang investors confidence ng businessmen sa climate na na-create ng Serbisyong Suarez, kaya willing silang mag-invest sa ating lalawigan. Nakikita nila na kikita sila dito, at mabibigyan ng trabaho ang ating mga kababayan.”
So nagbubunga na ang mga innovations sa governance sa Lalawigan ang tanong ng Sentinel Times Weekly.
“Ah, ayaw ko namang magsabi ng oo, kase, parang binubuhat ko naman ang sarili kong bangko, pero, sa mga reform package na ating ginawa sa nakalipas na walong taon ay na-laydown natin ang mga necessary foundations para sa development at isa nga dito ay ang papasok na investment ng SMC, ang investment confidence ng mga businessmen.”
May nagsasabi na pano na ang investment sa Pagbilao, bakit di daw ito dalhin sa 3rd District? dagdag na tanong sa gobernador at sinabi nito na…
“Base sa master development plan, we wanted to limit the industrial and commercial development sa Second District, while 3rd and 4th District, it will focus a lot on agricultural development, the Agro-Industrial development habang ang 1st District naman ay nakatutok tayo sa tourism development ang karamihan. Kase, tingnan naman natin ang iba pang probinisya, ayaw ko naman na masabing nilalait natin sila, but ang nakikita ko kase ay ‘yung self-sufficiency and reliant ng ilang probinsya na nais ko sa ating probinsiya natin ay yong pangangailangan ng ating lalawigan sa mamamayan-kaya mahalagang ma-sustain natin ang ating agriculture section sa ating probinsiya. So, 3rd and 4th District will focus a lot for food productivity.”
Samantala, sa mensahe ay sinabi ni Gov. David Suarez na…
“Unang-una s lahat ng mga ka-lalawigan ko, patuloy pong nagtatrabaho ang Pamahalaan ng Panlalawigan na makapag-sagawa ng mga proyekto at programang totoong makakapagbigay ng solusyon sa mga problema ng ating mga kababayan, at sa nalalapit na halalan ay kapangyarihan po natin ang pumili kung sino ang mga susunod na mamumuno sa atin. Alam po natin na problema ang kalusugan, siguro, pagdating sa kandidatong pipiliin natin, pumili tayo ng mga kandidatong nagbibigay ng gamot na nakakapagbigay lunas sa ating mga karamdaman, hindi yong gamot na itinuturing na ipinagbabawal.” With reports: Ace Fernandez, Lyndon Gonzalez @ La Liga Pilipinas