Dumalo sa ginanap na dinner date ng I Home Quezon si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan. Kasama ng Alkalde ang kaniyang may Bah...
Dumalo sa ginanap na dinner date ng I Home Quezon si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Kasama ng Alkalde ang kaniyang may Bahay na si Maggie Alcala at ang ina nito na si Alte Alcala ganoon din ang ilang kaibigan na nagmula pa sa ibang bansa.
Isinagawa ang naturang aktibidad na ito tsuki restaurant sa bahagi ng Pleasant Ville sakop ng Barangay Ilayang Iyam.
Ang naturang pagsasalo-salong ito ay pagwelcome sa mga studyante mula sa Kang Won National University sa pangunguna ni Professor Mike Lee.
Sa maikling programa ay nagbigay ng pananalita dito si Mayor Dondon Alcala at binati nito ang lahat ng Board of Directors ng i home quezon.
Dito ay pinilit din ng punong lungsod na makapagsalita ng lingguwahi ng korea.
Nagpasalamat din ito sa i home family dahilan sa inimbitahan siya ng mga ito sa mahalagang hapunan na nagsisimbolo ng pagiging magkatuwang sa mga programa.
Ayon pa kay Mayor Alcala, sa ilang taon ay magkaparner ng pamahalaan panlungsod at ang ilang mga korean mula i home quezon marami na silang natulungan na mga mamamayan lucenahin.
Pinagmalaki rin ng Punong Ehekutibo, ang mga programa at proyekto ng pamahalaan panlungsod, tulad ng social services, bagong lucena health program, Don VictorVille housing project at iba pang mga malalaking proyekto.
Na ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, ngayon taon ay nakagawa muli ang mga ito bahay at nagkaroon ng medical mession sa bahagi ng Barangay Dalahican.
Kaya naman ay nagpasalamat ito sa bumubuo ng i home quezon sa hatid na tulungong medical at iba pa.
Samantalang Binigyan ng sertipiko ng pagkilala ang punong lungsod ng i home at malugod naman tinanggap ito ng alkalde.
Sa huli ay nagpakuha naman ng litrato ang bawat grupo ng mga estudyante at mga board of directors kay Mayor Rodireck “Dondon” Alcala. (PIO-Lucena/J. Maceda)