Muling bumisita si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ilang mga buntis sa lungsod ng lucena, na nagseseminar para sa F1K programa kamakai...
Muling bumisita si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ilang mga buntis sa lungsod ng lucena, na nagseseminar para sa F1K programa kamakailan.
Nagtungo ang alkalde sa ginanap na seminar ng mga buntis sa Conference Room ng Administrator sa bahagi ng Lucena City Government Complex na kung saan ay kasama rin nito ang OIC ng City Health Office na si Dra Jocelyn Chua.
Nasa mahigit sa 60 mga buntis na nagmula sa iba’t-ibang barangay sa Lucena ang nagtungo sa seminar na ito hinggil sa programa ni Mayor Dondon Alcala na First 1000 Days o F1K.
Sa maiksing pananalita ni Mayor Alcala sa mga buntis, kaniyang ipinaliwanag ang ilang mga detalye sa programa ng F1K.
Aniya sa ilalim ng programang ito, ang lahat ng mga buntis ay binibigyan ng Philhealth upang magamit ng mga ito sa kanilang panganganak.
Bukod dito, sakali aniyang ninais ng mga ito na manganak sa tatlong lying-in sa lungsod, na matatagpuan sa Brgy. Ibabang Dupay, Cotta, at Dalahican, ay libre ang mga ito sa lahat ng kanilang gastusin.
Dagdag pa rin ng alkalde, mayroon ngayon na magagaling ng mga doktor na titingin sa kanila.
Sa huli ay kaniyang pinasalamatan rin ang lahat ng mga buntis na dumalo dito sa ginawang pagtangkilik ng mga ito sa programa ng Bagong Lucena.
At bago pa man umalis sa nasabing semniar si Mayor Alcala ay nagkaloob pa ito ng ilang mga gamot at kagamitan para sa mga dumalong buntis dito.
At nagpakuha pa ng litrato ang mga ito sa Alkalde kasama si Dra. Chua at mga Staff nito.
Ang programang First 1000 Days o F1K ay nagsimula pa noong maupo bilang punong lungsod si Mayor Dondon Alcala dahilan sa isa sa hinahangad nito ay ang maging maayos ang kalalagayan ng mga buntis sa Lucena at ang kanilang magiging anak. (PIO-Lucena/J. Maceda)