Nagpapasalamat po ako sa Public Market Officer na si Noel Palomar, dahil sa kahit aniya may sopresang pagbisitang ginagawa sila sa palengke ...
Ito ang naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ginanap na flag raising ceremony ng pamahalaan panlungsod kamakailan na mismong ang nasabing tanggapan ang siyang nagsilbing host.
Ayon pa sa Alkalde, ay 24/7 ay palaging nagtitxt si Palomar kapag mayroon nagiging problema, kaagad aniya nitong ipinababatid sa kaniya, kaya naman nalalaman niya ang nagyayari sa palenke mall.
Sinabi naman ni Mayor Dondon Alcala, sa tuwing binabanggit niya sa mga aktibidad na pinupuntahan niya ay kaniyang ipinagmamalake ang pagtaas ng income ng public market na ito ay nasa 22-23 milyon pesos ang kita.
Ayon dito sa nito aniyang nakaraang December 2018 ang total na income ng palenke mall ay nasa mahigit na 25 milyon pesos.
Kaya naman pinasalamatan nito ang Hepe ng Treasurer’s Office na si Ruby Aranilla mga staff nito, Public Market Officer Noel Palomar at lahat ng mga maninindahan.
Dahilan sa noon ay ang kita lamang ng palengke ay nasa 6 to 8 milyon pesos pare sa ngayon ay patuloy ang pagtaas ng kita nito dahilan na rin sa pagtutulungan ng mga nabanggit na tanggapan at maging ng mga may-ari ng stall.
Samantalang idinagdag pa ni Mayor Alcala, sa nabanggit naman ni Public Market Administrator Noel Palomar sa kanilang plans and program ay maisaayos ang tubig, comport room at ilang pang maintenance sa palengke.
Kaya naman ay kailangan na lalo nilang pagagandahin ang services para sa mga stall holder at mamamayan lucenahin.
Nagbigay naman ng tagubilin ang punong lungsod sa mga maninindahan na alagaan mabuti ang eskelator, dahil isa ito sa magandang nakikita sa lugar.
At ito rin umano ang kauna-unahang palengke na may eskelator sa buong region 4A at sa ngayon ay dinarayo ng mga karatig bayan at lalawigan upang mamili rin dito. (PIO-Lucena/J. Maceda)