Pormal nang ipinamahagi sa mga referees na magiging opisyal sa gaganaping Mayor Dondon Alcala Inter-Purok Basketball Tournament ang kanilang...
Ginanap ang pamamahaging ito sa conference room ng mayor’s office na kung saan ay mismong si City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. ang nagbigay nito.
Nasakama rin ng administrador ang ilang mga opisyal mula sa City Sports Development Office.
Tinatayang mahigit sa 100 mga referees ang dumalo dito na nagmula pa sa iba’t-ibang barangay sa lungsod at ang magiging official referees sa gaganaping palaro.
Sa naging mensahe ni City Administrator kaniyang pinasalamatan ang lahat ng dumalo dito at sa pagsuporta ng mga ito sa naturang paligsahan.
Gayundin inilahad rin nito ang ilang mga programa ni Mayor DOndon Alcala, sa pamamagitan ng City Sports Development Office, hinggil sa pampalakasan.
Ayon pa rink ay Administrator Jun Alcala, isang magandang programa ang gaganaping Inter-Purok Basketball Tournament para sa mga kabataan at ito ay upang mailayo sila sa mga masasamang bisyo lalo’t higit ang ipinagbabawal na gamut at ito aniya ang isa sa mga nagging layunin ni mayor Dondon Alcala para isagawa ang naturang palaro.
Dagdag pa ni Administrator Alcala, magtutungo rin ang grupo nina Mayor Alcala sa iba’t-ibang barangay sa Lucena at ito ay upang makatunggali naman ang mga mahuhusay na manlalaro sa bawat barangay.
Sa huli sinabi rin ng administrador na sakaling mayroon pang pangangailangan ang mga hinggil sa kanilang mga gagawing seminar ay palagiang nakahanda ang pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor DOndon Alcala na tulungan at suportahan ang mga ito.
Lubos naman ang nagging pasasalamat ng mga official referees para sa gaganaping paligsahan kay Mayor Dondon Alcala sa walang sawang pagtulong nito at pagsuporta sa kanilang hanay.(PIO Lucena/ R. Lim)