Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Opening ng isang burger joint sa SM City-Lucena, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Isa na namang panibagong burger joint ang nagbukas sa lungsod ng Bagong Lucena. Ito ay ang Zark’s Burger na matatagpuan sa ground floor ng S...

Isa na namang panibagong burger joint ang nagbukas sa lungsod ng Bagong Lucena.

Ito ay ang Zark’s Burger na matatagpuan sa ground floor ng SM City Lucena na kung saan ay naging panauhing pandangal sa isinagawang pagbubukas nito si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Nakasama ng alkalde dito ang presidente ng naturang kumpanya na si Dr. Jerome Nablo, ang chairman na si Dr. Conrado Bukid, ang treasurer na si Sir Joel Gonzales at ang HR Director na si Dr. Edwin Villanueva.

Maging ang pamunuaan ng SM City-Lucena, na pinangunahan ng mall manager na si Maricel Alquiroz at PR Manager for South Luzon 4 and 5 na si Lilibeth Azores, ay nakibahagi dito bilang pagsuporta sa panibagong kapamilya ng mga ito.

Sa maiksing programa ginanap dito, isang misa ng pagbabasbas ang isinagawa kasunod ang ribbon cutting na pinangunahan nina Mayor Dondon Alcala at ng mga nasabing opisyales ng Zark’s Burger bilang hudyad ng pormal na pagbubukas nito sa publiko.

At matapos ang ginanap na ribbon cutting ay nagpakuha pa ng larawan ang mga nabanggit na delegado kasama ang ilang mga tauhan ng nasabing burger joint.

Lubos na pinasalamatan ng mga opisyales ang pagtungong ito ni mayor Alcala sa kanilang restaurant gayundin ang pagsuporta at pagtulong nito upang makapagpatayo ng kanilang negosyo dito sa lungsod ng Bagong lUcena.

Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa mga katulad na okasyon ay upang ipakita sa lahat ng mga bagong nagnenegosyo sa lungsod ang kaniyang pagsuporta at bilang pasasalamat na rin niya sa mga ito sa ginawang pagtitiwala na maglagak ng kanilang negosyo sa Lucena.

Sa pagbubukas ng panibagong kainan na nabanggit, isang patunay lamang na patuloy at patuloy pa rin sa pag-unlad ang lungsod ng Bagong Lucena at maraming mga negosyante na ang nagnanais na maglagak ng kanilang negosyo dito dahilan na rin sa maayos at magandang pamamalakad ni Mayor Dondon Alcala. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.