Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

OPERATION LINIS SA MGA KAPALIGIRAN NG BARANGAY MARKETVIEW, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Hindi lang ang aspeto ng pagkakaroon ng maayos na Sistema ng lupong tagapamayapa ang pinag-iigting ng pamunuan ng Brgy. Marketview sa pamumu...

Hindi lang ang aspeto ng pagkakaroon ng maayos na Sistema ng lupong tagapamayapa ang pinag-iigting ng pamunuan ng Brgy. Marketview sa pamumuno ni Kapitan Edwin Napule kundi maging ang iba’t ibang aktibidades para sa kanilang pamayanan at para na rin sa ikabubuti ng kanilang pinamumunuan.

Kamakailan ay isinagawa ang programa ng sangguniang barangay na ‘operation linis’ sa iba’t ibang parte ng barangay Marketview.

Tulong-tulong na nilinis ng pamahalaang barangay kasama ang mga kawani ng City Engineering sa pangununa ni Engineer Jun Villaruel ang kahabaan ng Market Avenue at ilang mga kanal at estero sa bahagi ng Sampaloc Street sa nasabig lugar.

Bukod sa kagustuhang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, isinasagawa rin ang programa dahil sa kagustuhang mapabuti ang pamayanan at gayundin ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa anumang sakit na maaaring maidulot ng mga dumi sa kanal at sa mga lugar na bahagi ng Brgy. Marketview. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.