Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Outbreak ng Tigdas sa buong Pilipinas

Editorial Inanunsyo na ng Department of Health (DOH) na ang pagkalat ng tigdas ay kumalat na sa mas maraming lugar sa Luzon at Visay...



Editorial

Inanunsyo na ng Department of Health (DOH) na ang pagkalat ng tigdas ay kumalat na sa mas maraming lugar sa Luzon at Visayas kasunod ng mga ulat na higit sa 1,500 mga kaso at 26 na ang namamatay.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III na ang pagkalat ng tigdas ay dineklara din sa CALABARZON, Region 6 (Kanlurang Visayas) at Rehiyon 7 (Gitnang Visayas). Sinabi ng CALABARZON na 104 kaso ng tigdas at siyam na pagkamatay habang ang Rehiyon 6 ay nagtala ng 104 kaso at tatlong pagkamatay na nauugnay sa tigdas. Sa Rehiyon 7, 71 kaso ng tigdas at isang kamatayan ang naitala.

Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nagkaroon din ng pagtaas ng kaso ng tigdas sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Eastern Visayas, Mimaropa, Bicol Region, at Soccksargen – bagay ito na binabantayan umano nila ngayon. Sinabi din ni Health Secretary Francisco Duque III na masusi nilang binabantayan ang Mimaropa na may 70 kaso ng tigdas, Ilocos Region na may 64 kaso ng tigdas, Northern Mindanao na may 60 kaso ng tigdas, Eastern Visayas na may 54 kaso ng tigdas, at Soccsksargen na may 43 kaso ng tigdas.

Nakakalungkot isipin na hindi pa panahon ng kampanyahan pero ang pamahalaan mismo ang hindi sumusunod sa kanilang ipinatupad na batas. At saan kumukuha ang pamahalaan ng perang ginugugol para sa mga ad na ito? May outbreak na tigdas, sabi nga ni Samira Gutoc KUNG MAY KALENDARYO PARA SA MALASAKIT CENTER NA MAY MUKHA NG KANDIDATO, bakit wala para ipaalala sa mga tao na mabisa ang bakuna, lalo na laban sa tigdas. Tama nga naman. Ang ibang pulitiko inuuna pa ang magselfie sa tabi ng pangulo para mapansin kesa unahin makipagtulungan sa pagsugpo sa problema ng ating lipunan at suliranin ng bansa. Unahin ang problema ng bansa bago ang kampanya!

Sa mga magulang pabakunahan niyo ang inyong mga anak para sa kanilang kalusugan at makaiwas sa anumang sakit.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.