‘Prevention is better than cure’ iyan ang binigyang diin ng city health office kaugnay ng Kumpirmasyon ng department of health na kasaba...
‘Prevention is better than cure’ iyan ang binigyang diin ng city
health office kaugnay ng
Kumpirmasyon ng
department of health na kasabay ng pagsusumikap ng pamahalaan na makontrol ang
outbreak ng tigdas sa maraming rehiyon sa bansa ay ang siyang pagrami na rin ng
kaso ng dengue sa iba’t-ibang lugar.
Ayon sa ulat ng doh, rehiyon ng central visayas ang pinakang
apektado ngayon ng dengue bagay na iniiwasang mangyari ng hepe ng cho na si
dra. Jocelyn chua sa lungsod ng lucena.
Anito, dahil nananatiling kontrobersiyal sa bansa
ang bakuna kontra dengue na dengvaxia, ang pag-iingat umano ang pinakamahusay
na proteksiyon ng publiko laban dito.
Kaya naman patuloy na nananawagan ang cho sa mga opisyales ng
barangay na paigtingin ang pagsasagawa
ng mga clean-up drives sa bawat komunidad upang maibsan ang patuloy na pagdami
ng kaso ng dengue sa lungsod lalo’t higit sa pinakang apektadong barangay gaya
ng gulang-gulang, ibabang dupay, isabang , ilayang iyam at cotta kung saan
11-15 taong gulang ang pinakang-apektado na karamihan ay mga kalalakihan.
Bukod raw kasi sa mga nakalipas na pag-ulan , ang kadalasang sanhi
ng pagkakaroon ng dengue ay ang maruming kapaligiran dahil maraming lugar
ang maaaring maimbakan ng mga tubig-ulan na siyang pinamamahayan ng lamok.
Kaugnay nito, payo ng cho na sakaling may makitang sintomas gaya
ng pagkakaroon ng biglaaang pagtaas ng lagnat, matinding sakit ng ulo,
pananakit sa likod ng mata, sakit ng laman at kasu-kasuan, kawalan ng ganang
kumain, pagduduwal ,at pamamantal sa balat ay
agad na magtungo sa pinakamalapit na brgy. Health center o ospital.
Huwag umanong ipagsawalang-bahala ang mga
sintomas gaya ng mataaas na lagnat at agad na bigyan ito ng pansin sa unang araw palamang upang maiwasan
ang ano mang kumplikasyon. (PIO
LUCENA/C.ZAPANTA)