Isa ang tigdas sa laman na balita sa bawat pahayagan, napapanood sa tv at napapakinggan sa radyo sa buong bansa na kamakailan ay nagkaroon n...
Kaya naman upang maiwasan ang ganitong sakit o kumalat pa ay nagsagawa ng pagbabakuna sa tigdas para sa mga bata ang tanggapan ng City Health Office katuwang ang mga Barangay Health Alliance sa Barangay Dalahican.
At sa pakikipagtulungan ng sangguniang barangay sa pangunguna ni Kapitan Roderick Macinas ay matagumpay na naisagawa ang aktibidad na ito na ginanap sa barangay health center.
Kung saan ay dinagsa ng mga magulangin kasama ang kanilang mga anak na may 4 na buwan ang hanggang limang taon gulang, dahil sa ganitong edad na mga bata malimit na dinadapuan ng tigdas.
Layunin naman ng pagbabakunang ito ang maigting na kampanya laban sa tigdas na lubhang nakakabahala para sa mga bata.
At ang tanging hangad naman ng pamahalaan panlungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala at ng City Health Office na maging ligtas at malusog ang mga batang lucenahin. (PIO-Lucena/J. Maceda)