With reports: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales, Sol Luzano @ la liga pilipinas Pagbilao, Quezon - Sa nalalapit na local eleksyon ay tiyak...
Pagbilao, Quezon - Sa nalalapit na local eleksyon ay tiyak na hindi lang logistics at political organization ang inihanda ng magkakatunggali sa politika. Inaasahan din na makarinig ang mga botante ng mga block propaganda na mula sa nangbabangaang interest ng mga kandidatong ang pangako ay maglingkod umano ng tapat sa mamamayan. At kung si Engr. Ian Palicpic Municipal Administrator ng Pagbilao LGU ang tatanungin ay ito ang kanyang masasabi sa kandidatong kalaban nila sa politika ngayon 2019 midterm election. “Nagtangatangahan lang, matagal na silang member ng Sangguniang Bayan” ito ang mariing sinabi ni Admin. Palicpic sa isyu ng diumanong advanced payment ng Power Plant sa nasabing bayan.
Aniya, “ilang taon na ang nakalipas na ganun kalaki ang binabayad ng team energy at mis-informed ang tao, ngayon lang nagkaroon ng malaking bayad ang TEAM Energy at sinasabi nila ang buong halaga ng ₱600M ay sa LGU lahat at nagastos na raw ng lokal na pamahalaan.”
Kaya sabi ng mayor ay “anong klaseng pag-uutak ang kasamahang vice mayor at konsehal na pinapayagang sabihin yong mga bagay na yun, sinasabi ni mayor sa flag ceremony dahil inilalagay sa salang tingin ang local na pamahalaan”.
Ayon pa kay Admin. Palicpic “unang-una ang ₱600 milyon ay di lamang sa LGU ng Pagbilao, yon ay may kahati ang school board ng probinsya at may kahati ang Provincial Government at may share din ang Barangay Pulo at Local School Board ng Pagbilao LGU. Natanong ng Sentinel Times Weekly si Admin. Palicpic na kung ilalagay sa tamang prospective ay ilang percent ang Pagbilao LGU, School board at provincial government at ito ang kanyang sinabi “sa ₱600 milyon ay may entitlement ang Team Energy ng discount at under sa Local Government Code ay pwede silang magkaroon ng maximum na 20 percent discount pag sila ay nag advanced payment, so nakuha nila yan at ang ₱600 milyon na sinabi ay hindi lang para sa isang taon kundi ito ay para sa 3 taong advanced payment. So, lumalabas na ₱200 milyon kada taon ang advanced payment at may discount pa ito. So, ang unang argument, pinapalabas nila na kada taon ay ganito kalaki ang halagang ibinabayad ng Team Energy.
Kaya sinabi namin na bakit pinapayagan ni Vice Mayor ang ganitong paninira.” Ayon pa kay Palicpic, “napakasimple, gusto lang nilang manira, pero ikaw ay nagmumukhang tanga samantalang alam mo na yan ay ganun lang ang halaga. Ang tanong ko prior sa ₱600milyon na payment ng Team Energy ay magkano lang ang kanilang binabayad sa local na pamahalaan”. So, magkano ngayon ang sa Pagbilao LGU sa muling pagtatanong ng Sentinel Times Weekly “sa Pagbilao LGU ay ₱120milyon, sa local school board ay ₱150milyon at may discount ito na 20% para sa 3 taong advanced payment, so wala pang ₱40milyon per year ang pumapasok na pondo para sa Pagbilao LGU, then, hahatiin mo ito sa 27 barangays at kasama pa dito ang pang sweldo ng mga empleyado dahil ito ay nasa general fund.” Bukod dito ay meron pang nakukuhang pondo ang Pagbilao LGU sa Team Energy dahil ang unang advance payment ng nasabing power plant ay para lang sa unit 3 at ang unit 1 and 2 ang humigit ₱30milyon kada taon ang ibinabayad na buwis mula sa business tax at real property tax na ₱50 milyon ang kabuohang kahalaga nito.
Aniya, hindi totoo na iyong advanced payment ng Team Energy ay nagastos na tulad ng kanilang sinasabi dahil hindi nagastos ito sapagkat pwede lang itong gastusin ngayon 2019 hanggang 2020 at 2021 bagaman at hindi namin batid kung ganun din ang ginagawa ng probinsya dahil ayaw naming mawalan ng pondo ang local na pamahalaan.
Pero sa amin ay nagkasundo kami na kung anong fund ang sa 2019 ay yun lang ang gagastusin. Natanong din ng STW si Admin. Ian Palicpic kung transparent ba ang paggamit ng naturang pondo at sinabi niya na “bilang patunay na maayos ang paggasta ng kanilang pondo ay consistent silang recipient ng Seal of Good Local Governance at Good Financial Housekeeping mula sa DILG. Ito ay patunay na maayos at tamang paggamit ng aming pondo dahil hindi lahat ng LGU ay nakakatanggap ng ganitong pagkilala, katunayan ay hindi madaling makakuha ang mga ganitong awards dahil ang pamantayan nito ay napakataas dagdag pa ng Municipal Administrator. Patunay din ika niya na hindi nabubulsa ang pondo ng bayan at ipinapakita dito na malinis ang aming pamahalaan at walang corruption na nangyayari sa local na pamahalaan tulad ng gustong palabasin ng aming mga katunggali sa politika. Sila ay desperadong makapasok kaya paninira ang kanilang ginagawa. Wala rin silang klarong programang inilalatag sa aming mga kababayan.”
Sa mensahe, ay sinabi ni Admin. Palicpic na “sa lahat po ng aming mga kababayan sa Pagbilao kami naman ay nandito upang ibigay ang isang maayos na panunungkulan. Si Mayor Sherrie-Anne Palicpic po ay serbisyo at pagbibigay ng mga programa ay nakalatag ng maayos. Ang bayan po ng Pagbilao ay nagkakaroon ng tamang direksyon ng pag-unlad at lahat ito ay ayon sa transparency at good governance kaya wala po kayong dapat na ikabahala. Panahon po ito ng politika kaya asahan natin ang mga paninira at naway balansehin natin ang katotohanan at ilang hindi totoo na kanilang sinasab. Magtanong po tayo sa tamang tao upang lubos niyong maunawaan ang mga isyu na kinakaharap ng ating bayan.”