Matapos na dumugin ng mahigit sa 4300 mga negosyante sa lungsod na nagrenew at nag-apply ng kani-kanilang business permit para sa taong 2019...
Ayon sa hepe ng business permit and licensing office na si julie fernandez, sa 5, 185 negosyanteng inisyuhan nila ng business permit noong nakaraang taon, mahigit sa 4300 na ang nagtungo sa kanilang business one stop shop mula noong ika-1 hanggang ika-30 ng enero.
Para naman umano sa buong buwan ng pebrero, inaasahan ng kanilang tanggapan ang mahigit sa 700 negosyante mula sa public market para mag-asikaso at magrenew ng kanilang business permit.
Para na rin mas maging kumbinyente para sa mga maninindahan ang pag-aasikaso, dadalhin ng bplo ang business one stop shop sa mismong pamilihan mula lunes hanggang biyernes , alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para sa mabilis na pagprproseo ng kanilang mga dokumento.
Pinayuhan rin ni fernandez ang mga aplikante na mag-asikaso nang maaga nang sa gayon ay hindi mapatawan ng multa.
Sakali raw kasing mahuli sa pagbabayad ng business tax at pagrerenew ng business permit, kakailanganin ng mga itong magmulta ng 25 percent na surcharge at 4 percent na interes ng kabuuang halaga ng tax na kanilang binabayaran.
Huwag rin umanong kalimutan na dalhin ang mga rekisito sa pagrerenew ng business permit gaya ng bagong renew na business contract , barangay permit , barangay clearance , cedula, at application form para sa kasalukuyang taon. Dapat rin aniyang dalhin ang application form at resibo ng pinagbayaran noong nakaraang taon.(PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)