Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagdiriwang sa panahon ng Spring Festival o Chinese New Year, tinalakay ni konsehal William Noche

Konsehal  William Noche Bago pa man ang araw ng mga puso isa sa ipagdiriwang ngayon ng buwang ng Pebrero ay ang Chinese New Year o Spri...

Konsehal  William Noche
Bago pa man ang araw ng mga puso isa sa ipagdiriwang ngayon ng buwang ng Pebrero ay ang Chinese New Year o Spring Festival. 

Sa susunod na buwan araw ng martes ika-5 ng pebrero ay ipagdiriwang ng ating mga kapatid na tsinoy ang chinese new year.

Ang pinakamahabang holiday sa chinese tradition na tumatagal ng 15 araw simula February 5 hanggang February 19, na kung saan ang famous lantern festival ay isinasagawa.

Ito ang ilan sa binanggit ni Konsehal William Noche sa prebilihiyong talumpati nito sa ginanap na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan.

Ayon kay Noche, ang chinese new year ay isang mahalaga at tradisyunal na okasyon sa bansang china at sa mga lugar na may malaking chinese community tulad ng Hongkong, Macau, Taiwan, Singapore, Thailand, Malaysia, Mauritus at Pilipinas maging ang mga bansang may chinatown tulad ng America.

Ayon pa sa konsehal, sa kaniyang pananaliksik ang chinese new year ay nakabatay sa lunar calendar at hindi sa Gregorian calendar at ang petsa ay ayon sa pangalawang “new moon” pagkatapos ng winter solstice.

Sinabi pa ni William Noche, ang mga bansang Japan, Korea at Vietnam ay gumagamit din ng lunar calendar base sa pag-ikot ng buwan ng mundo.

Dagdag pa nito, sa taong ito ang naman ang chinese new year ay magsisimula sa February 5, 2019 at magtatapos sa January 24, 2020.

Samantalang ilan sa tinalakay rin ng konsehal ang mga tradition na ginagawa ng mga chinese at maging mga chinese-filipino sa pagdiriwang ng bagong taon.

Isa na dito masaganang pagkain na inihahanda tuwing okasyon at hindi nawawala sa hapagkain ang tikoy o nian gao, na simbulo aniya ng Unity, cohesiveness and harmony among friends and family members at isang simbolo din ng hindi nagtatapos na yaman.

Ang pagbibigay ng mga tsino ng pera na nakalagay sa pulang envelopes na maskilala sa ‘ang pao’ ganoon din ay ang pagsusuot ng mga ito ng damit na pula na itinuturing nila na luckiest color.

Inorganisa rin ng mga tsinoy ang dragon and lion dances na mula apat sa hanggang walong miyembro ay nag-uuli ito sa mga kalsada na nakasuot rin na red costumes.

Sa mga tsinoy rin nagmula ang mga firecrackers na pinaniniwalaan ng mga ito na nakapagpapalayas ng mga masasama pangyayari o naganap sa nakalipas nataon.

Panglima ay ang mga iba’t ibang lucky charms na mayroon kahulugan at ang pang-anim ay ang chinese new year greetings Kiong Hee Huat Tsai, the Cantonese dominat in Hongkong is Kung Hei Fat Choi at sa Mandarin ay Gong Xi Fa Cai na ang ibig sabihin ay Congratulation and Be Prosperous.

Ang huli ay ang paglilinis ng kanilang buong tahanan at ng maging ang buong katawan nila.

Ang pagtalakay na ito ni Konsehal Noche, ay ang pagbati at pakikiisa sa mga tsinoy sa pagdiriwang ng chinese new year. (PIO-Lucena/J. Maceda)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.