Si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ,Councilor Vic Paulo, City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., at si Benito “Baste” Brizuela Jr.,...
Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa heroes lane sa bahagi ng Pleasantville Subdivision sa Brgy. Ilayang Iyam.
Nakasama naman ng punong lungsod dito sina Councilor Vic Paulo, City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., ang anak ng konsehal ni Konsehal Benny Brizuela at naghahangad na maging konsehal ng lungsod na si Benito “Baste” Brizuela Jr., ilang mga department heads, kawani ng pamahalaang panlungsod at kapitan ng barangay sa lungsod.
Maging ang ilang mga mag-aaral mula sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, mga nagmula sa nasyunal na ahensya at nakibahagi rin sa nabanggit na selebrasyon.
Inumpisahan ang naturang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng isang misa na dinaluhan ng mga nasabing oisyales.
Sunod nito ay isinagawa na ang pormal na paggunita sa pagkamatay ng tatlong paring martir na sina Jose burgos, mariano Gomez at Jacinto Zamora.
Sa mensahe ni Lucena City Culture and the Arts Chairman Dra. Luzviminda Calzado, kainyang ipinaalala sa lahat ang naging ambag ng mga nasabing pari sa rebolusyon n gating bansa.
Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang ipinabatid sa lahat ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng mga naitulong ng mga naturang bayani para sa pagkamit ng kalayaan ng ating bansa.
Sinabi pa ng alkalde na nararapat na palagiang alalahanin ng bawat isa sa ating ang kabayanihang ginawa ng mga paring nabanggit ng ng iba pang bayani ng ating bansa dahilan sa tayo ang kasalukuyang matagal nang hinihintay ng mga ito upang ipagpatuloy ang pagmamahal sa ating bansa.
At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe at isa-isa nang nag-alay ng bulaklak ang mga dumalo dito sa bantayog ng tatlong pari na pinangunahan ni Mayor Alcala.
Naghandog rin ng kanilang paggalang at pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak dito ang mga nakibahagisa naturang okasyon.
Ang pagdalong ito ni Mayor DOndon Alcala sa nasabing okasyon ay bilang pagpapakita nito ng kaniyang taus pusong pasasalamat at paggalang sa mga bayani n gating bansa na silang nagbuwis ng kanilang mga buhay upang makamit ang kalayaan n gating mahal na bansa. (PIO Lucena/ R. Lim)