Nagiging katuwang ng tanggapan ng natatanging sektor ang ABC o ang samahan ng mga kapitan sa bawat barangay sa lungsod sa pagpapakalat ng ...
Nagiging
katuwang ng tanggapan ng natatanging sektor ang ABC o ang samahan ng mga
kapitan sa bawat barangay sa lungsod sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa
mga benepisyong posibleng makuha ng isang indibidwal na kabahagi nito.
Ito ang
inilahad ng hepe ng Person with Disability Affairs Office na si Cristy
Fernandez sa naging panayam sa kanya ng TV12 kamakailan.
Sa
pamamagitan aniya ng pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa bawat kapitan
ng barangay ay nagiging mas madali sa kanila ang pagpaparating sa mga mamamayan
ng mga aktibidades at proyekto hatid ng PDAO para mga ito.
Nakakatulong
din aniya ito para mas maipaliwanag pa ang kahalagahan ng pakiiisa sa mga
programa ng pamahalaang panlungsod kabilang na ang iba’t ibang selebrasyon ng
lungsod para sa kanila tulad ng National Disability Prevention and
Rehabilitation Week at International Day of Persons with Disabilities.
Natutulungan din aniya ang mga miyembro ng natatanging sektor na wala
pang PWD ID na makakuha nito.
Ikinatutuwa
naman ni Fernandez ang positibong tugon ng mga kapitan sa tuwing kinakailangan
nila ng tulong mula sa mga ito.