Noong nakaraan taon ay may bagyong dumaan dito sa bansa na kung saan ay kasama sa Lalawigan ng Quezon sa nadaan ng bagyong Usman at isa rin ...
Kaya naman sa kagustuhan na matulungan ang mga magsasakang ito ay minabutin ng pamahalaan panlungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala at sa pamamagitan ng Lucena City Agriculturist Office sa pangunguna ni Melissa Letargo hepe ng naturang tanggapan na bigyan ng mga pananim na palay ang mga ito.
At kamakailan nga ipinamahagi sa mga magsasaka ang palay certified seeds na ginanap ang aktibidad na ito sa harapan ng Lucena City Government Complex.
Sa maikling programa pinangunahan ni Melissa Letargo ang opening remarks na sinundan ng mensahe ng kinatawan ni Ronald Cuasay APCO, mula sa Department of Agricilture Region IV-A na si si Melba Racelis Senior Science Research Specialist.
Nagbigay rin naman ng pananalita dito sina Senior Councilor Anacleto Alcala III bilang chairman ng Committe on Agriculture at ang Vice Chairman nito na si Councilor Vic Paulo.
Sa naging pananalita naman ni mayor Roderick “Dondon” Alcala , nagpasalamat ito National Government ganoon din sa Regional Office ng Department of Agriculture office.
Dahil aniya kapag mayroon problema ang lungsod ng lucena tungkol sa bagyo ay tinutulungan tayo ng mga ito.
Taus-puso rin ang pasasalamat ng Alkalde sa Staff ng Office of City Agriculture sa pangunguna ni Melissa Letargo.
Dahilan sa mabilis ang na naasikaso ng mga ito ang listahan ng mga magsasaka na nasalanta ng bagyong Usman at naibigay ng mga ito sa national governmant at regional office ng agriculture.
Nagbigay naman ng tagubilin si Mayor Dondon Alcala sa mga magsasaka ng bagong lucena na sa kaunting tulong na naibigay sa kanila ay gamitin ng maayos, tama ang mga ibinigay sa kanila na palay certified seeds at ito naman ay para sa kanilang ikabubuhay.
Samantalang matapos na makapagsalitan ng Punong Lungsod ay isinagawa na ang pagkakaloob ng mga naturang pananim na palay seeds sa bawat mga magsasaka kasama sina Senior Councilor Anacleto Alcala III bilang Chairman ng Committee on Agriculture at Vice Chairman nito na si Councilor Vic Paulo at kinatawan mula sa Department of Agriculture Region IV-A na si Melba Racelis Senior Science Research Specialist at nagpakuha pa ang mga ito ng litrato.
Ang mga nabigyan ng mga pananim na palay ay mula sa mga barangay ng Mayao Castillo, Mayao Parada, Mayao Crossing, Ilayang Dupay, Ibabang Iyam, Ibabang Dupay at Barangay Ibabang Talim na ang naipamahaging palay certified seeds ang nasa mahigit 226 ng bags. (PIO-Lucena/J. Maceda)