Kapag nag-aani ng palay matapos na ito ay gapasin naiiwan dito ang pinakang puno ng palay na kalaunan ay nagiging dayami. Ito ay inilalagay ...
Ito ay inilalagay lang sa tabi ng tubigan at sadami nito may ilan sa mga masasaka na di mapigilan na sunogin ito.
Sa lungsod ng lucena ay ipinagbabawal na ang pagsisilab o pagsusunod ng mga ito.
Kaya naman kamakailan sa isinagawang pagkakaloob ng palay certified seeds ng pamahalaan panlungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala katuwang ang City Agriculturist Office sa mga magsasakang nasalanta ng bagyong Usman.
Sa pananalita dito ni Melissa Letargo hepe ng naturang tanggapan, palagian nilang pinaalala at patuloy ang kampanya nila na bawal ang magsunog ng dasami.
Ayon pa kay Letargo, marami na sa magsasakang lucenahin ngayon na alam na nila na dapat ay hindi na magsunog ng mga dayami.
Dagdag pa ng hepe ng kagawaran ng pang-agrikultura ng lungsod, mayroon ordinansa na ipinatutupad sa lucena hinggil dito.
Kaya naman ipinagbabawal ang pagsisilab ng dayami dahil nakakaapekto ito sa pabago-bagong ng panahon o Climate Change.
Ibinalita naman ni Letargo, na sa mga darating na araw aniya ay maglulunsad ang city agriculturist office ng isang paligsahan under the rafed compose program.
Kung saan umano ay mabibigayan ng insentive ang ating mga magsasaka na sapol ay hindi nagsusunog ng mga dayami.
Samantalang patuloy naman ang pamahalaan panlungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala sa pag-agapay at pagsuporta sa programa na isinasakatuparan ng city agriculturist office.
Dahil sa ang tanging hangad ng punong lungsod ay maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga magsasakang lucenahin. (PIO-Lucena/J. Maceda)