Sadyang hindi na mapipigilan ang patuloy na pag-unlad ng Bagong Lucena ngayon dahilan sa dami ng mga nagbubukas na bagong establisyemento di...
At isang patunay na ito ay ang pagbubukas ng panibagong bangko sa lungsod at ito ay ang Bank of the Philippine Island malapit sa Pacific Mall sa bahagi ng Brgy. 3.
Sa pagbubukas nito ay dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick “Dondon” Alcala at nakasama niya dito ang anak ni Councilor Benny brizuela na si aspiring councillor Benito “Baste” Brizuela Jr.
Nakasama rin ng alkalde dito ang branch manager na si Alvin Garcia, ang vice president and BPI South Luzon Division Head Liza Sta. Ana at BPI Area Business Director na si Nards Altea.
Sinimulan ang naturang aktibidad sa pamamgitan ng isang misa na pinangunahan naman ni Reverend Father Jerry Juarez.
Matapos ang nna misa, isinunod na dito ang ribbon vcutting bilang hudyat nang pormal na pagbubukas nito sa publiko.
Samantala sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala dito, lubos nitong pinasalamatan ang pamunuaan ng nasabing bangko dahilan sa ginawang pagtitiwala nito na magtayo ng kanilang establisyemento sa lungsod ng Bagong Lucena.
Dagdag pa ng alkalde, ang lahat ng mga opening at ribbon cutting ng mga bagong establisyemento sa lungsod ay kaniyang pilit na pinupuntahan dahil ito ay bilang pagpapakita niya ng pagsuporta at pasasalamat na rin sa ginawang pagtitiwala ng mga ito na maglagak ng kanilang negosyo dito.
Buong ipinagmalaki rin ni Mayor Alcala na sa loob ng kaniyang limang limang taon na panunungkulan bilang ama ng lungsod ng Bagong Lucena ay napataas niya ang kita nito.
Dati-rati aniya ay umaabot lamang ito ng mahigit sa P650 million pesos ngunit sa simula nang maging alkalde siya at magpasa hanggang ngayon ay tumaas na ito ng mahigit sa P1 bilyong piso.
Ang ibig sa bihin aniya nito ay patuloy na dumadami pa rin ang nagtatayo at nagnanais na maglagak ng negosyo nila sa lungsod ng bagong Lucena.
Ang panibagong pagbubukas ng bangkong ito sa lungsod ay patunay lamang na sadyang hindi na mapipigilan sa pag-unlad ang Bagong Lucena sa ilalim ng maayos at magandang pamamalakad ni Mayor Dondon Alcala. (PIO Lucena/ R. Lim)