Sa pagnanais na mas mapanatili ang magandang kalusugan at masiguro ang pagkakaroon ng tama at sapat na sustansya ng pagkain ng bawat kabataa...
Sa pagnanais na mas mapanatili ang magandang kalusugan at masiguro ang pagkakaroon ng tama at sapat na sustansya ng pagkain ng bawat kabataan, isinagawa sa Barangay Cotta kamakailan ang isang feeding program.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay sa pamumuno ng SK Chairman nito na si Angelica De los Santos.
Isinagawa ang pagpapakain ng mga inihandang pagkain sa mga kabataan mula sa Purok Bagong Buhay.
Sa ganitong programa ay napapagkalooban ang mga mamamayan ng sapat na pagkain at masusuportahan ang sustansyang kinakailangan nila, partikular na ng mga kabataan na higit na kailangan ng maayos na pangangatawan at malinaw na kaisipan para sa kanilang pag-aaral.
Inaasahan naman ang patuloy na pagsasagawa ng aktibidad sa iba pang purok na bahagi ng brgy. Cotta tulad ng Purok Bagong Sinag, Bagong Masagana, Pagkakaisa at iba pa.
Lubos namang nagpapasalamat ang mga mamamayan sa pamahalaang barangay hindi lang para sa naturang aktibidad kundi maging sa iba pang programa na nagpapakita ng pagmamalasakit at pagkalinga sa kanila. (PIO-Lucena/M.A. Minor)