Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SILAKBO NG KASALUKUYAN

Sa panulat ni Angelo S. Villanueva EPS-II M&E Bawat indibidwal may binubuong pangarap, Lakas, Isip, puso’t dugo ang nagiging sangka...

Sa panulat ni
Angelo S. Villanueva
EPS-II M&E

Bawat indibidwal may binubuong pangarap,
Lakas, Isip, puso’t dugo ang nagiging sangkap.
Kinamulatang estado’y ‘di tinalukuran;
‘pang maging inspirasyo’t tanglaw ng kapalaran.

Paaralang tila’y naging tahana’t salamin,
Guro’y nagsilbing mabuti’t huwaran sa amin.
Ngunit bakit aming tagumpay ‘di mo hangarin;
Sa mundong ika’y aming naging paa’t salamin.

Mga kilos mo sa’mi’y lubhang nakakasakit.
Di lubos maisip na baka ika’y may inggit;
Sa katotohanan na dapat ika’y magdiwang,
Sa’ming tagumpay, saranggolang iyong tinalang.

Respeto sa’yo’y ‘di nawala, ngunit bumaba;
Pagtitiwala’y sa’mi’y ipinagkai’t wala;
Mananatili ba itong sa ami’y tatatak?
O, magising sa kanilang tulong at pagtulak?

Pananatili sa mundo’y walang bisa’t saysay,
Kung lahat ng aming plano’y tila walang gabay.
Daan sa kaligtasan ng mga kaluluwa’y;
Manatili bang di napagninilay-nilay.

Sa’ming paglisa’y hangad pa’y iyong kasiyahan,
‘sang tanaw sa nakaraang sayo’y babalikan.
Kirot sa puso’y kylanma’y di malilimutan;
Para sa’yong hangarin, sa’ming pinagkaitan.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.