Quezon Governor David C. Suarez LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tiniyak ni Quezon Governor David C. Suarez sa isinagawang flag raising cer...
Quezon Governor David C. Suarez |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tiniyak ni Quezon Governor David C. Suarez sa isinagawang flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes na tuloy na tuloy na ang pagsasagawa ng isa sa malalaking proyekto ng kanyang administrasyon na TR4 Project o South Expressway Extension.
Matapos magbigay ng kasiguruhan si Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ay ipinaabot ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang agaran nitong pakikipagtulugan para maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Sa pinakahuling datos, iniulat ng ama ng lalawigan na kasalukuyan nang nasa 50% ang possession ng permit to entry mula sa higit 600 land owners sa lalawigan.
Kaugnay nito, nakipagtulungan si Gob. Suarez sa tanggapan ng Provincial Assessors Office sa pangunguna ni Atty. Melojean Puache at Provincial Treaasurers Office sa pangunguna naman ni Marilou Uy upang mas mapabilis ang proseso.
Kaakiibat rin nito ay nakipag-ugnayan ang pamahalaang panlalawigan sa mga municipal mayor na sina Sariya Mayor Marcelo Gayeta, Candelaria Mayor Macario Boonggaling, Tiaong Mayor Ramon Preza at Tayabas Mayor Ernida Reynoso upang tiyakin ang kanilang tulong at suporta para sa mga madaraanan ng road right of way.
“I took it upon ourselves bilang Provincial Government of Quezon, sabi ko ano ang pwedeng gawin ng Lalawigan ng Quezon para mapabilis natin yung acquisition ng road right of way. Through them, through their local counterpart, the municipal assessors, in-identify namin yung alignment ng kalsada, mga barangay na dadaanan at lahat ng individual lot owners na may-ari ng lupang dadaanan ng mga highway.” ayon kay Gob. Suarez.
Kinilala naman ng gobernador ang mahusay na gampanin ng tanggapan ng Provincial Assessors Office upang maisaktuparan ang nasabing proyekto. Nakatakdang isasagawa ang pormal na groundbreaking ng TR4 Project sa mga susunod na buwan at inaasahan rin ang magiging pagdalo dito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. (Quezon – PIO)