LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Kinilala ang 24 na retirees mula sa pamahalaang panlalawigan sa isinagawang flag raising ceremony na pinangunaha...
Kasama ang Provincial Employee Incentives and Award Committee at sa suporta ni Quezon Governor David C. Suarez, binigyang-parangal ang mga nasabing retirees na nasa 65 taong gulang.
Bawat isang retiree ay nakatanggap ng plake ng pagkilala at cash incentive bilang pagkilala sa ilang taon nilang serbisyo na ibinahagi sa kabutihan ng pamahalaang panlalawigan.
Sa mensahe ni Provincial Administrator Roberto Gajo, ipinaabot niya ang pasasalamat ng Provincial Government sa serbisyo na ibinahagi ng mga nasabing kawani para sa Quezon.
Kasabay nito ay kinilala rin ni PA Gajo ang tanggapan ng HRMO para sa mga inobasyon na ipinatutupad ng kanilang opisina para sa patuloy pang pangangalaga sa bawat kawani ng pamahalaang panlalawigan.
Isa sa mga retiree na kinilala ay si G. Ernesto Alano na umabot sa 41 taon ng serbisyo sa pamahalaang panlalawigan. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan niya ang pamahalaang panlalawigan at si Gob. Suarez sa pagkilalang ito sa mga tulad niyang nagbigay ng maraming taon ng serbisyo para sa probinsya.
“Nakakatuwa na makita kayong muli na mga kasamahan ko. Ngayon ay ipinararating ko ang aking pasasalamat sa ating pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Suarez. At kinilala ang aking mga kasamahan at ang aming naging bahagi sa paglilingkod sa pamahalaan. Pagkilala sa mga naiambag namin sa kaunting pamamaraan ay naging bahagi kami ng pag-unlad ng lalawigan.” pasasalamat ni G. Alano.