Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ASSESSMENT NG MGA LUPONG TAGAPAMAYAPA NG BAWAT BARANGAY SA LUNGSOD, PATULOY NA ISINASAGAWA NG CITY DILG

Sa pagnanais na magabayan at maipabatid sa mga miyembro ng lupong tagapamayapa ng bawat barangay sa lungsod ang mga dapat gawin at isaalang...

Sa pagnanais na magabayan at maipabatid sa mga miyembro ng lupong tagapamayapa ng bawat barangay sa lungsod ang mga dapat gawin at isaalang alang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang pamayanan, tuloy-tuloy ang isinasagawa ng City department of Interior and Local Government ng assessment at evaluation sa mga naturang lupon.
Sa naging panayam ng TV12 kay City DILG Head, Engr. Danilo Nobleza, inilahad nito ang katatapos lang na isinagawa ng kanilang tanggapan na pagtatasa sa pitong barangay na nagpahayag ng kanilang kagustuhan na makilahok sa Lupong Tagapamayapa Incentives Award o LTIA.
Dagdag pa nito, sa ika-anim na pagkakataon naman ay muling nanalo ang Brgy. Marketview sa pamumuno ni Kpaitan Edwin Napule laban sa anim na barangay sa lungsod.
Ang Barangay Marketview aniya ang muling magiging representatnte ng lungsod ng Lucena sa LTIA regional level.
Bagamat natapos na ang idinaos na assessment sa pitong barangay, patuloy pa rin naman nilang ia-assess ang natitirang dalawampu’t anim na barangay sa lungsod, ayon narin sa mandato ng DILG na dapat ang lhat ng mga barangay na nakapaloob sa isang bayan o munisipalidad ay tutulungan pagdating sa paglilinang ng kanilang kakayahan sa pagresolba ng mga usapin o sigalot.
Pero lahat po ng hindi naksali dito sa brgy ay patuloy pa rin po naming iaassess kasi ang mndato sa amin ay lahat ng brgy ay magkraoon ng assessment ang kanilang lupon
Ito po ay para maitaas yung antas ng sebisyo sa ating mga kbabayan ukol sa pagrwsolba ng mga usapin o sigalot na pambaranagy
Ayon pa kay Nobleza, bukod din sa ginagawa ng City DILG na assessment, nangangasiwa rin sila ng mga seminar at oryentasyon sa lupong tagapamayapa ng bawat barangay ayon na rin sa mga kahilingan ng mga kapitan.
Dahilan aniya sa pagbabago na rin ng pamunuan ng barangay dulot ng nakaraang eleksyon, ilan sa mga miyembro ng lupon din ang nabago kung kaya’t kinakailangan ng mga ito ng pagsasanay hinggil sa katarungang pambarangay.

Isa pa rin aniya sa dahilan ng pagsasagawa nito ay ang ilan sa mga lupon ay hindi pa gaanong kabukas at wala pang sapat na kaalaman pagdating sa mga kaso o sigalot na dapat nilang tanggapin halimbawa na lang nito pagdating sa usapin ng trabaho na dole ang nangangasiwa, violenece aganainst women and children na ang kapulisan naman ang nangangasiwa at iba pa. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.