Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong pamunuaan ng Grand Central JODA, nanumpa kay Mayor Dondon Alcala

Pormal nang nanumpa kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga bagong halal na opisyales ng Grand Central Terminal Jeepney Operators and ...


Pormal nang nanumpa kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga bagong halal na opisyales ng Grand Central Terminal Jeepney Operators and Drivers Association kamakailan.

Ginanap ang naturang panunumpa sa conference room ng Mayor’s Pffice na kung saan ay si Mayor Dondon Alcala ang naging inducting officer ng mga ito.

Nakasama rin ng alkalde sa panunumpang nabanggit at siyang tumayong witness ng mga ito sina Councilors Manong Nick Pedro at V

ic Paulo gayundin ang mga naghahangad na maging konsehales ng lungsod na sina Engr. Wilbert McKinley Noche at Engr. Jose Christian Ona.

Nahirang na bagong presidente ng samahan si Enrique Rolle, vice president naman si Mark Anthony Geron, Secretary si Francis Rodenas, treasurer naman si Bernardo Orig at PRO si Carlito Villanueva.

Samantala nahirang naman na mga miyembro ng board of directors sina Daniel Lopez, Dennis Zoleta, Robin Mateo, Angelito De Asis, Leonito Labiano, Ervin Alpay, at Rene Villareal.

Matapos ang panunumpa ng mga bagong opisyales na ito, buong pagmamalaki ng inihayag ni Mayor Alcala na nakahanda siyang suportahan ang lahat ng kanilang mga magiging programa at proyketo para sa nasabing samahan.

At sakali aniyang may mga pangangailangan ang mga ito ay sinabi rin ng punong lungsod na huwag silang magatubili na ipagbigay alam ito sa kaniya upang agad na matulungan ang mga ito sa abot ng kaniyang makakaya.

Lubos namang ikinagalak ng mga bagong pamunuaan ang ipinahayag sa kanilang ito ni mayor Alcala at anila ang kanilang samahan at ang lahat ng kanilang mga miyembro ay palagiang nakasuporta sa mga programa at proyektong ipinatutupag ng pamahalaang panlungosd.

Ang isinagawang panunumpang ito ng mga bagong halal na opisyales ng Grand Central JODA kay Mayor Dondon Alcala ay bilang pagpapakita nila ng kanilang taus pusong pasasalamat at paggalang dito dahilan sa walang sawang pagsuporta nito sa kanilang grupo. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.