Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

BARANGAY PUROK LEADERS, HINIKAYAT NG LUCENA PNP NA AKTIBONG MAKIISA SA KAMPANYA LABAN SA ILIGAL NA DROGA

Iligal na droga ang malimit na kaakibat ng mga krimeng nangyayari sa lungsod, at upang maresolba ito nang tuluyan, kakailanganin ng mga kapu...

Iligal na droga ang malimit na kaakibat ng mga krimeng nangyayari sa lungsod, at upang maresolba ito nang tuluyan, kakailanganin ng mga kapulisan ng aktibong partisipasyon at tulong ng mga mamayan , ito ang bagay na binigyang diin ni deputy chief of police police chief inspector marcelito platinokamakailan.

Upang mas mapalakas pa ang pwersa ng community mobilization program ng mga kapulisan, umapela ng tulong ang lucena pnp sa mahigit 150 purok leaders na dumalo sa isinagawang seminar ng city people’s law enforcement board kamakailan.

Ayon kay platino, aktibo ang city anti-drug abuse council at ang kapulisan sa kampanya laban sa iligal na droga lalo na’t ito rin ang pangunahing rason ng mga nangyayaring krimen sa lungsod gaya ng pagnanakaw, panghahalay, at pagpatay.

Anito, ang mga nasasamsam na supply ng shabu sa lungsod ay nanggagaling na sa mga karatig bayan at probinsya na nangangahulugan lamang na epektibo ang community mobilization program ng pnp, bagay na hindi umano mangyayari kung wala ang makikiisa at partisipasyon ng bawat barangay.

Sa tulong raw kasi ng mga cluster leaders sa bawat komunidad ay nagkakaroon sila ng mga impormasyon hinggil sa mga nagtutulak at gumagamit ng shabu sa isang lugar.

Ngunit target ng kanilang grupo na sa mga darating na panahon, wala nang shabu pa ang makalusot at makapasok sa lungsod.

At upang mangyari ito, kakailanganin ng lucena pnp ng karagdagang pwersa kaya naman hinikayat ni platino ang bawat barangay purok leaders na magbigay ng mga mahahalagang impormasyon na makatutulong sa kanilang mga isasagawang operasyon.(PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.