Upang magbigay linaw sa ilang mga katanungan hinggil sa mga nakalipas na insidente ng sunog sa lungsod, dumalo sa oras kabatiran ng isinaga...
Sunod-sunod na mga katanungan ang ibinato ng mga konsehal kina julian at oliveros mabigyang linaw lamang ang konseho hinggil sa totoong pinagmumulan ng mga nangyaring sunog gayunrin sa mga ginagawang hakbanging ng dalawang tanggapan upang mapigilan ito.
Kinwestyon ng kapulungan kung anong mgahakbangin ang ginagawa ng dti hinggil sa mga substandard na materyales na kalimitan umanong nagiging dahilan ng sunog.
Giit naman ni oliverros, tinitiyak ng kanilang tanggapan na maayos nilang namomonitor ang kalidad ng mga materyales na nasa kanilang hurisdiksyon.dagdag pa nito, mayroon lamang silang listahan ng mga produktong nasa ilalam ng mandatory certification scheme na nasasakop ng kanilang kapangyarihan kaya naman wala umanong magagawa ang dti hinggil sa mga sub standard naprodukto na hindi nila nasasakupan.
Ayon naman kay julian,electrical short circuiting ang madalas na rason ng mga sunog sa lungsod dahil sa loss connection, overloading at iba pa.
Pinagbabasehan umano ng bfp ang loading capacity ng mga electrical connections sa mga bahay at commercial establishments na siyang pinagkakabitan ng mga appliances bago sila magdeklara na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.(PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)