Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Blessing at inauguration ng Bgy. Road sa Lucena City, pinasinayaan

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunahan ng ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez ang isinagawang blessing at inauguration ng kahab...



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunahan ng ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez ang isinagawang blessing at inauguration ng kahabaan ng kalsadang matatagpuan sa Purok Rosas, Brgy. Domoit, Lungsod ng Lucena nitong ika-27 ng Pebrero.

Lubos na nagpasalamat ang mga mamamayan ng nasabing barangay sa pamahalaang panlalawigan sa pagkakaloob ng nasabing proyekto. Anila, malaking tulong ang pagpapakongkreto ng nasabing barangay road para sa maayos na transportasyon sa kanilang lugar.

Ayon naman kay Gob. Suarez, ang mga proyektong pang-imprastrakturang tulad nito ay isa lamang sa pamamaraan ng pamahalaang panlalawigan upang maiparamdam sa bawat Quezonian ang suporta nito para sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay.

“Ang prinsipyo ko ay ang posisyon na hawak ko ay hinihiram ko sa inyo. Hindi ako magiging gobernador kung hindi niyo ako binoto. Dapat yung paglilingkod ko ay nakikita, narararamdaman at napapakinabangan ninyo. Ito pong kalsada na ito ay isang kongkretong proyekto kung saan ibinabalik ni Gob ang tiwalang ipinagkaloob niyo sakin upang maglingkod bilang ama ng lalawigan.” pahayag ng gobernador. (Quezon-PIO)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.