Sa ika- apat na pagkakataon ay muling inilunsad ng tanggapan ng panlungsod na aklatan sa pamumuno ni City Librarian Miled Ibeas ang kanilang...
Idinadaos ito sa Lucena Public Market na kung saan tulad ng mga nakaraang programa ay nagtayo ang City Library dito ng isang munting silid-aklatan na tampok ang mga pambatang aklat at iba pang reading materials tulad ng magazines, newspapers, educational at reference books at iba pa.
Gayundin ang mga star books na mula sa Department of Science and Technology na kung saan ay naglalaman ito ng mga computerized at digitized book collections ng DOST para sa mga nais kumuha ng impormasyon dito.
Binuksan ang nasabing aktibidad para sa lahat na nagnanais na maging bahagi ng naturang programa maging ang mga senior citizens at ang mga mismong namamalengke na nais mag-avail ng serbisyo.
Bukod sa mini library set-up ay nagkaroon rin ng iba pang mga aktibidades tulad ng storytelling sessions katulong ang mga kawani ng naturang tanggapan at ilang mga mag-aaral mula sa isang unibersidad sa lungsod.
Mayroon ding mga board games at educational toys at free film showing ng mga pambatang pelikulana maaaring tangkilikin ng mga kabataan.
Ang naturang aktibidad ay taunang isinasagawa ng naturang opisina bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng araw ng silid-aklatan sa buong Pilipinas na kung saan ngayong taon ay idinaraos ang ika-animnapung taong selebrasyon.
Pinapasinayaan ang nasabing programa bilang pagtugon din sa iniatas ng National Library sa lahat ng mga public libraries sa bansa na magsagawa ng isang kakaibang aktibidad para sa publiko na magpo-promote ng mga libraries sa bawat lugar gayundin ang panghihikayat sa mga tao ng pagbabasa.
Natapos ng matagumpay ang nasabing programa at sa huli ay inaasahan ang tuloy-tuloy pang pagsasagawa ng City Library ng iba’t ibang mga programa at proyekto para sa mga Lucenahin kaisa ng kanilang adhikain na mas maipahayag at maipakita ang kahalagahan at importansya ng pagbabasa sa kabila ng modernisasyon. (PIO-Lucena/M.A.Minor)