Kasabay ng pamumuno sa isinagawang regular flag raising ceremony kamakailan, namahagi ang city general services office ng 76 na karagdagang ...
Bukod sa mga garbage truck collectors, malaki rin ang ginagampanang papel ng mga eco-aide sa pag-papanatili ng kalinisan sa lungsod araw-araw. Sa loob kasi ng 5-6 na oras, matiyagang naglilibot sa kani-kanilang brgy ang mga eco-aides, makolekta lamang ang mga basura sa bawat bahay.
Sa ngayon, 4 na eco-aide ang itinalaga ng tanggapan para sa bawat barangay na siyang mangongolekta ng mga nakahiwalay na na basura mula sa bawat tahanan. At dahil sa matibay at malalaking push carts, hindi na mahihirapan pang maghakot at maglibota ang mag ito sa kani-kanilang ruta.
Dahil na rin sa ‘no waste segregation, no watse collection policy’ ng lokal na pamahalaan, ang mga non-biodegradable o mga nabubulok na basura katulad ng tirang pagkain, balat ng prutas at gulay, buto ng gulay at hayop, bituka at kaliskis ng isda gayundin ang pinaglinisan ng karne, balat ng itlog, dumi ng hayop at mga kahalintulad nito na maaring mabulok ay kinokolekta ng mga eco-aide tuwing araw ng lunes, miyerkules, at biyernes.
Habang tuwing martes, huwebes, at sabado ang nakatakdang araw ng pangongolketa para sa mga biodegradable o mga basurang hindi nabubulok katulad ng papel, karton, plastic at bote.
Hindi lamang ang mga eco-aide ang nakikinabang sa kitang nagmumula sa mga kalakal dahil may ilan ring brgy ang nadaragdagan ang pondo dahil sa mga kalakal na nakokoleta at iniimbak sa kanilang materials recovery facility.
Samantala, muling umapela si castillo sa mga lucenahin na maging disiplinado pagdating sa pagtatapon ng basra upang hinid mahirapan ang kanilang tanggapan na maisaayos ang sisitema ng basura sa lungsod. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)