Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CHO, HINIKAYAT ANG MGA MAGULANG NA KUMPLETUHIN ANG BAKUNA NG MGA ANAK SA UNANG TAON PA LAMANG

‘Prevention is better than cure’ ito ang nais na ipabatid   ni city health office epi/cd coordinator elizabeth caparros sa mga magulangin ...


‘Prevention is better than cure’ ito ang nais na ipabatid  ni city health office epi/cd coordinator elizabeth caparros sa mga magulangin sa lungsod ng lucena. 

Layon ng presidential decree 996, at republic act no. 10152 na masiguro na ang lahat ng bata, lalo na ang mga sanggol, at ang mga ina ay may access sa libreng bakuna sa mga government hospital at barangay health centers para sa mga bagong panganak na  sanggol hanggang 5 taong gulang na bata. Marami kasing  sanggol at bata ang namamatay dahil sa mga sakit na maaari namang maiwasan kung magpapabakuna. 

Kaya naman ang city health office, patuloy na hinihikayat ang mga magulang na gawing prayoridad ang pagpapabakuna ng mga anak sa ika-unang taon pa lamang.
Kasama umano sa  regulated at mandatory vaccines sa expanded program of immunization ng department of health ay ang  bcg o bacillus, calmette guerrin vaccine  at hepatitis b vaccine  na itinuturok pagkapanganak ng sanggol.

Ang bcg ay kailangan upang marotektahan ang mga bata laban sa tuberculosis at ketong habang ang hepa b vaccine naman ay panlaban sa hepa b na maaaring makasira sa atay at maaaring maging sanhi ng kanser sa pagtanda.

Ang unang injection naman ng pentavalent vaccine at oral polio vaccine / opv ay ibinibigay sa unang 6 na linggo pagkapanganak ng sanggol , at may puwang o interval na 4 na linggo bago ibigay ulit ang ikalawa at ikatlong dose.

Kailangan ang pentavalent vaccine upang  maiwasan ang mga sakit gaya ng dipterya, tetanus, hepa b, pertussis, pulmonya, at meningitis  habang ang opv naman ay makatutulong  upang bigyang  proteksyon ang inyong anak laban sa sakit na polio na nagiging sanhi ng kapansanan dahil sa panghihina ng mga buto at hirap sa paglalakad o paggalaw ng binti.
Nagtuturok rin ang mga barangay health centers ng inactivated polio vaccine o ipv na karagdagang bakuna laban sa polio sa ika- tatlo’t kalahating buwan ng sanggol.
Ang  pneumococcal conjugate vaccines  o pcv naman na karagdagang bakuna rin laban sa pulmonya at meningitis ay ibinibigay sa edad na 6 na linggo, at ang primary vaccination nito ay may 3 doses, na may pagitan na 4 na lingo.
Ang measles, mumps, rubella o mmr vaccine naman ay itinuturok sa batang edad 9 na buwan at  isang taong . Ang measles o tigdas ay maaaring maging sanhi ng malnutrisyon, poor mental development, at pagkabingi at pagkabulag (hearing and visual impairments) at nakamamatay kung hindi maaagapan.
Ipinaalala rin ni caparros na kailangang sundin ng mga magulang ang schedule ng bakuna at siguraduhing makumpleto ang mga ito hanggang sa sumapit ang  unang kaarawan ng bata.
Ang mga bakuna naman na hindi nabanggit  ay maaaring makuha sa mga pribadong hospital.

Kailangan ring itago ang card na ibibigay ng mga barangay health workers  dahil ito ang magsisilbing patunay ng mga bakunang natanggap ng inyong anak na kakailanganin  sa kanyang pagpasok sa eskwela. (PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)


Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.