Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

EXECUTIVE COMMITTEE NG PASAYAHAN SA LUCENA 2019, NAGPASIYA NA HINGGIL SA TEMA NG GRAND PARADE

Makulay na pasayahan grand parade ang inaasahang matutunghayan ng mga lucenahin at turista matapos na mapagkasunudan ng executive committee ...

Makulay na pasayahan grand parade ang inaasahang matutunghayan ng mga lucenahin at turista matapos na mapagkasunudan ng executive committee ng pasayahan sa lucena 2019 ang bagong tema para sa nasabing aktibidad.

Matapos na mapasama ang pasayahan sa lucena grand parade sa kalendaryo ng department of toursim calabarzon tuwing ika-28 ng mayo, simula ngayong taon ay napagdesisyonan ng executive committee for pasyaahn 2019 na pinangungunahan ni arween flores, na ‘mardi gras’ ang gawing tema ng mga patimpalak para sa nasabing parada.

Nagpalitan ng opinyon at suhesyon ang mga dumalong chairman sa nakalipas na pasayahan sa lucena 2019 events chairman meeting kamakailan. Bukod kasi sa mardi gras, fairytales, philippine festivals, local and foreign movie, at carnival theme ang kanilang pinagpipilan para sa tema ng float competition, street dancing contest, carnival queen, at pandong competition ng grand parade.

Ngunit sa huli, napagdesisyonan ng kometiba na muling buhayin ang mardi gras bilang pasimulang tema. Una umanong nakilala ang pasayahan sa lucena bilang mardi gras sa lucena na kalaunaan ay binago lamang dahil sa mga kinaharap na isyu.

Kinonsidera ng mga ito ang ilang factors gaya ng tunay na kahulugan ng mardi gras, mga isyung maaring kaharapin sakaling ito ang mapiling tema pati na ang mga restictions at criteria na kanilang iimplementa sa mga nasabing patimpalak.

Napagkasunduan rin ng kometiba na isama sa bibigyan ng puntos ang mga contestants na isasama ang produkto ng lucena na chami at tinapa sa kanilang entries.

Binigyang diin muli ng city tourism office na ang gaganaping pasayahan grand parade 2019 ay hindi lamang para sa mga lucenahin dahil ito’y bukas rin para sa lahat ng grupo mula sa ibang lungsod na nagnanais na makilahok dito.(PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.