Isa sa ipinagdiriwang ngayong buwan ng marso ay ang fire prevention month kaya naman kamakailan ay nagsagawa ang ahensiyang ito ng iba’t iba...
Kung saan ay nagmotorcade ang lahat ng mga tanggapan ng BFP sa buong pilipinas.
At maging sa iba’t ibang barangay ay may mga isinasagawang seminar tungkol sa kahandaan kapag may dumarating nasakuna tulad ng sunog.
At bilang pakiisa ng Sangguniang Barangay ng Dalahican sa pamumuno ng kanilang Punong Barangay Roderick Macinas nagsagawa ng isang seminar tungkol sa fire prevention awareness ang MSEUF College of Criminology and Law Enforcement Department.
Ang seminar ay may temang “Ligtas na Plilipinas ating Kamtin Bawat Pamilya ay Sanayin, Kaalaman sa Sunog ay Palawakin”.
Naging Guest speaker ng mga ito sina FO3 Erwin Ong at SFO1 Nelson LequinJr.
Dinaluhan naman ito ng Barangay Police, Purok Leader, Purok Coordinator at mga Barangay Staff.
Ang Naturang Seminar ay naglalayon na maragdagan ang kaalaman ng mga barangay tungkol sa mainam na pag-iingat at kung paano makakaiwas sa insidente ng sunog.
Ginanap ang naturang Aktibidad sa mismong Barangay Hall ng Sangguinang Barangay ng Dalahican.
Samantalang nagpasalamat naman ang Punong Barangay ng Dalahican sa mga nagbigay ng seminar na ito sa kanilang barangay. (PIO-Lucena/J.Maceda)