Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

HEPE NG LUCENA CITY BFP, SINAGOT ANG ILANG KATANUNGAN NI KONSEHAL WILLIAM NOCHE

Kaugnay sa isinagawang oras kabatiran sa sangguniang panlungsod kung saan ay naimbitahan dito ang hepe ng Lucena City Bureau of Fire Protect...

Kaugnay sa isinagawang oras kabatiran sa sangguniang panlungsod kung saan ay naimbitahan dito ang hepe ng Lucena City Bureau of Fire Protection sa pamumuno ni Senior Inspector Garynel Julian.

Na agad naman tumugon sa patawag ng dalawang magigiting na konsehal na sina Konsehal Nick Pedro at Konsehal Vic Paulo.

Sa ginanap na interpulation ay nasagot naman nito ang katanungan ng ilang mga konsehal.

Sa pagpapatuloy interpulation ay tumayo naman si Konsehal William Noche, dito ay tinanong niya ang acting firemarshall na si SInsp. Julian na sa kaniyang pagiging OIC ay kung siya ba ay mayroon pupuntahan na ibang bayan o karatig llalawigan ay maroon daw ba itong ini aasign na mamumuno sa kanilang tanggapan.

Na ito yong pansamantalang may authority para pumirma sa mga dukomento na tulad ng clearance na iniiissue nila particular sa mga nagpoproseso ng building permit o certificate of occupancy permit upang hindi mabalang ang transaction kung sakaling wala siya sa kanilang opisina.

Sa naging tugong naman ni Senior Inspector Julian, mayroon aniya na puweding e asign habang wala siya kung madali lang ang pupuntahan niya.

Ayon dito hindi magiging madali na may hahalili sa kaniya ng mabilis dahil sa kailangan ng pag-aproba na galing sa kanilang higher headquartes.

Dagdag pa nito na kapag mayroon biglaan meeting tulad sa malalayong lugar ay hindi na nakapagbibigay ng issue order para magkaroon ng substitute sa lucena fire station.

Pero mayroon naman na silang mga tauhan na mag-aasikaso sa mga mamamayan na nangangailang ng kanilang serbisyo.

Samantalang sinabi pa ni Konsehal Noche, na napansin ng mga kababayan natin lucenahin noong mga nakaraang taon may pangyayari aniya na halos alas 10 na ng umaga ay wala pang tao sa kanilang tanggapan.

Kung saan ay marami ang naghihintay na aplikante upang makapagproseso sila ng kanilang dukomento.

Pero sa ngayon aniya na si Senior Inspector Julian na ang OIC ng Lucena BFP umaasa siya na maisasaayos nito ang parocedural sa kanilang opisina. (PIO-Lucena/J.Maceda)





Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.