Kamakailan ay nagbigay na testimoniya at pasasalamat ang ilang mga mamamayan lucenahin kay Mayor Dondon Alcala. Isinagawa ang kanilang pasas...
Isinagawa ang kanilang pasasalamat sa pagkatapos ng pamamahagi ng salamin sa mata, MDR na ginanap sa 4th floor ng Lucena City Government Complex.
Ilan sa mga ito ay si Maria Corazon Jaca na naoperahan sa dalawang Mata, si Mrs. Cabrera inoperahan sa katarata sa doctor’s ospital.
Ritchell Lutilla ng Barangay Marketview na ang anak naman niya ay naoperahan sa sakit sa kidney dahil sa tulong ni Mayor Dondon Alcala ay naduktungan ang buhay ng kaniyang anak.
Ganoon din si Senaida Ruz ng barangay Ibabang Iyam, na naipagamot ang kaniyang lalamunan.
Zara Pinilla ng purok bagong buhay Barangay Cotta na nagamot ang kaniyang heart disease na wala binayaran sa ospital kahit isang kusing, si Mam Peñaranda ng barangay Marketview.
Dominga Hutalla ng Baragay Marketview isa rin sa natulungan ni Mayor Alcala, Cristal Patiag ng ilayang Dupay dahilan sa ang kaniyang anak na si Prince Jeric Baga 2yrs old ay na stroke natulungan sa tulong ng Alkalde ay nakarecover ang kaniyang anak.
Gemma Engreso ng barangay ibabang iyam ang kaniyang anak ay na dengue natulungan at naipagamot ito ng pamahalaan panlungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala.
Si Maria Elisa Bejamin ng Barangay Mayao Silangan naman ay inoperahan sa kili kili dahilan sa may bukol ito. Si mang Domingo Buloy ng Mayao Silangan at Rochell Bautistang Barangay 8 ay naipagamot at naoperahan ang dinaramdam nitong sakit na Bato sa Apdo.
Roderick Jose Atentedo ng Barangay Ilayang Iyam natulungan rin ang kaniyang asawa at maging siya ay naipagamon ni Mayor Dondon Alcala.
Ang mga ito ay ang mga natulungan ng punong lungsod sa ilalim ng programa nito na bagong lucena health program at ganoon din ay yellow gard holder sila kung kaya naman ay wala ni isang kusing ang kanilang naibayad sa ospital.
Samantalang si Leonida Montalbo ng barangay ibabang iyam ay natulungan na maipagamot ang kaniyang anak kahit pa sila ay walang yellow gard kaya naman laking pasasalamat nito sa punong ehekutibo.
Patunay lang na lahat ng mamamayang lucenahin ay natutulungan ni Mayor Dondon Alcala kaya naman nagpasalamat ang mga ito sa Alkalde. (PIO-Lucena/J.Maceda)