Simula na ng kampanyahan ng mga kandidato para sa mga local na posisyon kasama na rin ako. Ito ang ilan sa nabanggit ni Konsehal Nicanor “Ma...
Ito ang ilan sa nabanggit ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro sa pribilehiyong talumpati nito sa isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod.
Ayon kay kay konsehal Pedro, handa na ba aniya ang lahat sa apat napu’t limang araw na tila walang kapagurang ikot, dukot daldal, pakikipagkamay, pagngiti, tapik tapik at pagtango.
Ayon pa dito handa na ba aniya silang iulat ang mga natapos, ipinagoaoatuloy pa at mga bagay pang dapat isagawa.
Ganoon din ay ang mga batikusan, handang masabuyan ng black propaganda, masiraan, pintasan, handang matalo o manalong muli.
Sinabi pa ni Pedro na handa na rin ba ang mga karapadapat na awtoridad, COMELEC, PNP, AFP para sa malinis at payapang halalan. At nawa aniya ay maitaguyod nila ang parehas na pamamahala ng darating na eleksyon.
Lalo’t higit ay handa na ba ang bayan para sa halalan 2019?
Na ayon dito ay handa bang makinig, magsuri, kumilala sa nararapat , ipaglaban ang tama sa mali, buksan ang mga mata sa katotohanan ng mabuting panunungkulan.
Nawa umano ay matutong magtimbang sa mga nagawa at ipinapangako at magtaguyod ng mga adhikaing makapag-aangat sa kalagayan at kakayahan ng sambayanan.
Samantalang idinagdag pa ni Konsehal Pedro, ang kailangan ay naiintindihan ng taong bayan ang mga lihitimong isyung nailalahad.
Dahil tungkulin nilang iprisinta ang katotohana sa bayan ipaliwanag ng paulit-ulit kung kailangan, huwag umano silang magsawa dahil ang katotohanan ang nagpapalaya.
Ang pribilehiyong talumpating ito naman ni Konsehal Nick Pedro ay sinuportahan ng mga kasamahan niyang konsehal. (PIO-Lucena/J.Maceda)