Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

KAMPANYA HINGGIL SA ANTI-MENDICACY LAW, PINA-IIGTING NG PAMAHALAANG PANLUNGSOD

“Ang pagtulong sa kapwa ay gawaing dakila, subalit ang maglimos at mamalimos ay paglabag sa batas” Ito ang nilalaman ng mga flyers at leafle...

“Ang pagtulong sa kapwa ay gawaing dakila, subalit ang maglimos at mamalimos ay paglabag sa batas”

Ito ang nilalaman ng mga flyers at leaflets na ipapamahagi ng City Social Welfare and Development sa pamumuno ni Malou Maralit katuwang ang Local Council for the Protection of Children at Lucena PNP- Women and Children Protection Division, bilang parte ng pagpapaigting ng kampanya hinggil sa Anti-Mendicacy Law.

Matapos isagawa ang unang kwarter na pagpupulong ng LCPC kamakailan, napagplanuhan ng mga miyembro ng konseho na gumawa ng isang hakbanging makatutulong sa lokal na pamahalaan upang mabawasan o tuluyan ng matigil ang mga Gawain ng ilang mamamayan na pamamalimos sa mga kalsada.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga impormasyon hinggil sa naturang batas at pagdidikit ng mga leaflets na naglalaman nito sa mga pampasaherong dyip sa lungsod.

Hindi kasi maipagkakailang, isa sa suliraning kinahaharap hindi lang ng lungsod ng Lucena kundi ng buong bansa ay ang pagtaas ng bilang ng mga mamamayang namamalimos sa iba’t ibang lugar na parte ng Pilipinas na kung saan karamihan sa mga ito ay itinuturing na ang panghihingi bilang kanilang hanapbuhay.

Sa ilalim ng Anti-Mendicacy Law o Presidential Decree No. 1563, ipinagbabawal ang pagbibigay limos sa mga pamilya o kabataan na nasa kalsada, sa loob ng mga establiyemento at mga pampublikong sasakyan.

Ayon pa sa naturang batas, ang pagbibigay limos ay hindi maituturing na isang paraan ng pagtulong ng mga mamamayan sa mga namamalimos bagkus ito umano ay nakadadagdag pa sa kaso ng mga aksidente at kriminalidad lalong lalo na sa mga bata.

Nagiging paraan din ito upang mabuo sa isipan ng mga kabataan na hindi na nila kailangang mag-aral at magtrabaho pa upang kumita.

Hanggang sa dumating ang araw na makagawian na at maging kultura ng mga ito ang pamamalimos, bagay na hindi dapat mangyari kung kaya’t patuloy ang pagpapaigting ng lokal na pamahalaan ng iba’t ibang istratehiyang makakapigil sa naturang usapin.

Bukod sa pagpapaskil ng mga leaflets, tuloy-tuloy din ang isinasagawang Rescue & Round-Up Operations sa mga ito ng CSWDO katulong ang ilang ahensya ng pamahalaan. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.