Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KARAHASAN WALA SA DNA NG AMING PAMILYA – Gov. Jayjay Suarez

Gov. David “Jayjay” Suarez With report: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ Laliga Pilipinas LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Election fever na...

Gov. David “Jayjay” Suarez


With report: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ Laliga Pilipinas

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Election fever na at makikita at makakarinig na naman ng maaanghang na salita at paninira ang mga magkakatunggali ngayon 2019 election. Sa panayam ng Sentinel Times Weekly Newspaper kay Gov. David Jayjay Suarez ay nagbigay siya ng reaksyon sa sinabi ni 2nd District Representative Cong. Vicente Kulit Alcala, kandidato sa pagka gobernador na diumano ay sina Cong. Danilo Suarez at Gov. Suarez ang nag-aalaga sa grupo nitong si P/Col. Mark Joseph Laygo dating hepe ng Tayabas City - PNP na suspect sa pagpatay sa anak ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta kamakailan.

Aniya “can you put on comment and value to a baseless statements and accusations coming from Cong. Alcala, paano niya masasabi na bata namin si Col. Laygo, hindi ko nga kilala si COP Laygo, ang alam ko sabay-sabay yang dinala dito ng magkapalitan ng hepe and for him to say and accusing us, I mean, sa akin, ’wag niyang isi-sensationalized yung pa-kamatay ng anak ni Mayor Gayeta and let’s put some value din sa buhay ng bata. Ako, ay condemned what happened to Christian Gayeta, I don’t condone yung ginawa ng mga pulis at saka alam ito ng NBI at dating PD natin and I asked for a thorough investigation about this matter. Sa palagay ko yung mga accusation ni Cong. Kulit ay totally fault and baseless”.

Ayon pa sa Gobernador ay dina-divert umano ang mga totoong isyu ngayon na dapat pag usapan tulad ng isyu ng illegal na droga tungkol sa mga Alcala. Sinabi pa ni Gov. Suarez na “that is plain and simple at gumagawa lang sila ng diversionary tactics tungkol dito” Sa panayam ng Brigada News - Lucena ay winika ni Cong. Alcala na dahil nga di umano ay bata ng mga Suarez itong si P/Col. Laygo ay nagtagubilin sa kanyang pamilya itong si Cong. Alcala na kapag namatay siya ay wala di umanong gumawa nito kundi itong sina Cong. Danilo Suarez at Gov. Suarez. Nanindigan itong si Governor Suarez na mali ang paratang ni Alcala at sinabing “well, that is a signed of desperate man, he is appealing to emotion, nagpapakaawa kesyo ganito, kesyo ganyan, sa ginawa sa kanya, it’s a signed of desperation. Nag-uumpisa pa lang ang kampanya at sa totoo lang, pakinggan nyo si Cong. Alcala pag nag-iikot yan sa mga bayan bayan kung paano kami minumura at sinisiraan at kung ano-anong mga kwentong ginagawa tungkol sa amin. It is totally opposite sa sinasabi mong interview kay Cong. Alcala na nagmamakaawa, he’s two faced diba? He has no sincerity ni his bones, so sa akin totally false, baseless ang kanyang sinabi”.

Ayon pa kay Gov. Jayjay Suarez ay idaan na lang umano sa election na maayos upang malaman umano kung sino dapat na manalong gobernador at papalit sa kanya. “Ganun lang naman yun eh, kung sa palagay ng mga mamamayan na dapat si Congressman Danny Suarez, nandyan siya, I mean tingnan natin ang track record ng dalawa, tingnan naman nating yun trabaho ni Cong. Suarez bilang Congressman at suriin din nating yung sa kanya. So, sa akin mga kasama eh obviously foul yung ginagawa ni Cong. Kulit na sini-sensationalized niya ang isang karumaldumal na pangyayari na nangyari sa anak ng isa sa mga mayor natin, atleast to gain political capital, hindi ito ginagawa ng matinong politico, kalainman”.

Samantala nagbigay din ng pahayag itong si Gov. Suarez sa diumanong sinabi ni dating DA Sec. Procy Alcala na kapag natalo siya ni Suarez sa Segunda Distrito ngayong 2019 election ay talo daw ang mga mamamayan kapag siya ay tinalo nito. Diretsong sinabing ni Gov. Suarez na “ako mga kasama….. ’yon lang, comments and opinions coming from political opponents ay di na mapipigilan ’yon, kase ’yon ay mga opinion nila tungkol sa mga bagay-bagay. Kung iyon ay sinasabi nila so be it, wala naman tayong control tungkol sa isip at sinasabi nila at pinaplano nila. Ang amin lang, tumatrabaho kami at nag iimplement ng programa at ginagawa namin ang sa palagay namin ay makabubuti sa probinsya natin. So, itong mga sinasabi sabi nila Congressman Alcala at Sec. Procy tungkol sa politics, kung dun sila nabubusog ay dun sila mabusog at mabuhay sila duon. Basta’t kami ay tuloy-tuloy lang ang aming pagtatrabaho, ang aming paglilingkod at tuloy-tuloy ang serbisyo at programang hatid ng Serbisyong Suarez”.

Sinabi pa ni Suarez na diumano ay threatened na ang nangyayari sa kanilang posisyon. Aniya “wala tayong magagawa kung iyon talaga ang nangyayari ngayon, kontrolado ba natin ang lahat ng mga bagay, hindi naman. Iyon bang binanggit ni Presidente Duterte na ang pamilya nila ay sangkot sa illegal drugs, kontrolado ba natin iyon? hindi naman ah!. So, sa akin mga kasama, ay naka focus lang kami sa trabaho namin. Sa mga kailangan naming gawin at yun sinasabi nila ay ingay lang yun at nagpapapansin, nagpapaawa or whatever man ’yong plano nila sa political career nila”.

Sa sinasabing posibleng maging madugo ang labanan ng Suarez at Alcala sa ngayong eleksyon ay mariing sinabi ng gobernador na “ang pamilya namin simula’t sapol ay walang history ng harassment, ng abused, ng pananakot, specially ang pag patay dahil wala ito sa DNA ng aming pamilya”.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.