Kasabay ng tigdas, mino-monitor rin ng city health office ang unti-unting pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod. Bagaman wala pang naiiul...
Kasabay ng tigdas, mino-monitor rin ng city health
office ang unti-unting pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod. Bagaman wala pang
naiiulat na nasawi, nababahala pa rin ang tanggapan dahil sa loob lamang ng 3
buwan, dumoble ang bilang ng ng kaso ng dengue sa lungsod.
Ayon kay
maritess par, vector borne desease coordinator ng cho, mula enero 1 hanggang
marso 22, umabot na sa 154 ang kaso ng dengue sa lungsod. Mas mataas ito ng 82 kaso o 114% kumpara sa parehong petsa noong
nakaraang taon.
Pinakang apektado umano ng
dengue ang brgy. Gulang-gulang na may pinakamaraming kaso sa bilang na 23, na
sinundan naman ng ibabang iyam na may 21 kaso , ibabang dupay na 19 ang kaso,
16 naman sa ilayang iyam at 8 kaso naman sa brgy. Cotta.
Pinakamataas
ang porsyento ng mga biktima na nasa edad 6 taon hanggang 10 taong gulang kung
saan 57 % nito ay pawang mga kalalakihan.
Dapat
rin umanong maunawaan ng publiko na hindi lamanang tuwing tag-ulan umaatake ang
mga lamok na may dalang dengue.
Kaya
naman dapat aniyang maging maingat sa kaliwa't kanang pag-rereserbang tubig.
Kahit daw kasi ang pinaka maliliit na
bagay na maaaring pag-imbakan ng tubig gaya ng
tansan ay maaaring pamahayan ng
mga lamok.
Payo ni par, sakaling makitaan ng mga sintomas ng sakit
ang pasyente ay huwag nang mag-atubili na kumonsulta kaagad sa doktor upang
maagapan ang sakit at hindi mauwi sa pagkasawi.(PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)