Sa panahon na ang bansa ay nakakarans ng El Niño na nagdudulot ng tagtuyot at kakulangan sa yamang tubig, mas makakabuti kung ang lahat ay...
Sa panahon na ang bansa ay nakakarans ng El Niño na nagdudulot ng
tagtuyot at kakulangan sa yamang tubig, mas makakabuti kung ang lahat ay laging
handa pagdating sa mga insidenteng maaring kailanganin ng tubig tulad ng sunog
upang ipang-apula.
Matatandaang sa pagpasok ng taong 2019 sa lungsod ng Lucena ay
dalawang insidente ng sunog na ang naganap sa unang tatlong buwang pa lamang.
Bagamat todo paghahanda ang tanggapan ng pamatay sunog sa
pangunguna ni Acting City Fire Marshall S/Insp. Garynel Julian, ay di pa rin
mapipigilan ang ganitong uri ng pangyayari.
Sa ginanap na pagpapatawag sa hepe ng nasabing tanggapan kasama
ang representante ng Department of Trade Industry Quezon para sa oras kabatiran
ng regular na sesyon, nagpahayag si Konsehala Sunshine Abcede-Llaga ng ilang
mga katanungan at suhestyon sa mga nabanggit na personalidad.
Tinanong ng konsehala kung anu ang ginagawang paghahanda ng BFP
upang masiguro na mayroong sapat na suplay ng tubig ngayong panahon ng El Niño.
Bilang katugunan, patuloy umano ang koordinasyon ng BFP sa Prime
water hinggil sa fire hydrants na mayroon ang lungsod.
Ani ni Julian, sa katunayan nga ay nakikipagcoordinate sila sa
Prime Water para sa muling pagkakaroon ng dayalogo upang matiyak ang kahandaan
ng mga maaaring pagkunan ng tubig sakaling may maganap na di inaasahang
pangyayari.
Matatandaang una na silang nagkaroon ng unang dayalogo ilang
linggo mula nang maupo si Julian bilang City Fire Marshall, upang matiyak ang
maayos na operating condition ng mga fire hydrants.
Bagamat wala pang inihahayag na katugunan ang Prime Water hinggil
dito, hinihiling naman ni KOns ehal Sunshine Abcede-Llaga ang pakikiisa nito at
pakikipagtulungan sa BFP.
Konsehal siguro po ngayong fire prev month na sila ay aware namna
sa campaign ng natl govt na baka poi to ang chance na makahingi muli ng
dialaogue with prime water dahil ito ay safety vconcerns ng costituents na
involve ang particaipation ng prime water at qmwd.
Dagdag pa ng Konsehala, ang naturang usapin aniya ay nararapat na
bigyan ng agarang aksyon sapagkat walang nakakaalam ng mga posibleng trahedyang
maaring maganap sa lungsod.
Ninanais rin ng konsehala na kung sakaling maganap ang muling
pagkakaroon ng dayalogo ng BFP at Prime water ay mabigyan ng sipi ng
pinag-usapan ang Sangguniang Panlungsod.
At anumang legislative action na kinakailangan para dito ay
nakahanda siyang tumulong kaisa ng iba pang miyembro ng konseho, para sa kapakanan
ng mga mamamayang Lucenahin. (PIO-Lucena/M.A.Minor)