Binigyang pansin ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga sa inilahad nitong pribilehiyong pananalita sa regular na sesyon kamakailan ang ilan sa m...
Ayon sa konsehala huling tinalakay niya ang naturang usapin noong taong 2016 kasabay ng pagsasagawa ng 18-day Campaign to end violence against women o VAW, na kung saan ay binanggit niya ang ilan sa aniya’y action points tulad ng pagpapasa ng amended o updated gender and development code ng lungsod.
Dagdag pa nito, matapos ang isinagawa niyang konsultasyon mula sa iba’t ibnag grupo ng mga kababaihan, ilang buwan lamang ay agad na naipasa ang tinatawag na 2017 gender and development o GAD Code sa lungsod.
Aniya ang nasabing code ay naghahanay ng mga karapatan ng mga kababaihan na maaari nilang makamtan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng lokal na pamahalaan tulad ng pagsisiguro ng magandang kalusugan ng bawat isa, karapatang makapag-aral o makilahok sa iba’t ibang seminar na maglilinang sa kanilang mga kasanayan, karapatang makapagtrabaho na may karampatang proteksyon at walang anumang diskriminasyon nililinang partikular na sa aspeto ng pagkakaiba ng lahi, paniniwala o maging kasarian.
Gayundin ang pagtugong programa ng pamalaang panlungsod upang makamit ng bawat babaeng Lucenahin ang matiwasay at masaganang buhay na malaya sa karahasan at pang aabuso at makabuo ng isang komunidad na may pagpapahalaga sa kanya at may paniniwala sa kanyang angking kakayahan at galing.
Bukod dito, mayroon din ang lungsod na tinatawag na gender focal point system na bahagi rin ng GAD code na siyang tumutugon sa pagpapatupad ng mga nasabing karapatan patungo bilang mga programa.
Ang lahat ng mga nabanggit ay pagpapatunay lamang sa napakaraming programa para sa mga kababaihan.
Ngunit aniya’y tila ilan sa mga kababaihan ay nanatili pa ring di nakakaalam ng mga programa para sa kanila upang sila ay matulungan tulad na lang ng ng isinalaysay ng konsehala na kwento ng isang nagdadalang taong ina na si Luningning na minsang nagtungon sa kanilang tahanan para humingi ng tulong.
Bukod aniya sa pagdadalang tao ni Luningning ay buntis din ang panganay nitong anak na edad labing limang taon pa lamang.
Kaugnay nito, bilang chairperson ng Committee on Social welfare, hinihiling ni Konsehala Llaga ang mahigpit na pagpapatupad ng GAD code sa lungsod.
Nawa aniya ay magtutulong tulong ang lahat, magmula sa mga tahanan, grass root ng pamahalaan, ang barangay, miyembro ng konseho at lahat ng mga ahensya sa ilalim ng lokal na pamahalaan, para sa kapakanan at mas ikabubuti at ikauunlad pa ng sektor ng mga kababaihan. (PIO-Lucena/M.A.Minor)