Bago pa man pumasok ang buwan ng Marso ay isang trahedya ang hindi inaasahan pangyayari kung saan ay sa bahagi ng Barangay Marketview ay nas...
Kaya naman sa mga ganitong pangyayari ay nagpaalala si Konsehal Vic Paulo bilang chairman ng peace and order ng sangguniang panlungsod.
Ayon dito patuloy aniya na mag-ingat upang maiwasan ang naturang sunog o trahedyang nabanggit.
Ayon pa dito kung aalis ng kanilang tahanan ay siguraduhin na ang mga kagamitan na di kuryente at tanggalin ang mga saksak nito sa outlet at tiyakin rin nakasara ang kanilang gasul o LPG, at sinabi nito na ang paalala ay gamot sa mga taong nakakalimot.
Ito ang ilan sa nabanggit ng konsehal sa pribiliheyong talumpati nito sa ginanap na regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan.
Samantalang ilan pa sa binanggit nito Konsehal Vic Paulo sa previllege speech ay pinuri nito ang mga tauhan ng bureau of fire protection sa pamumuno ng hepe nito na si Fire Senior Inspector Garynel Julian.
Dahilan sa maagang pagresponde ng mga ito sa naganap na sunog sa bahagi ng Barangay Marketview.
Ganoon din pinasalamatan nito ang mga iba pang mga pamatay sunog mula sa iba pang bayan.
At nagpasalamat din siya sa punong barangay ng Marketview na si Edwin Napule mga kagawad nito, ganoon din ang ilan pang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng CSWDO at ang mga tauhan ng LCDRRMC.
Sa naganap na sunog ay agaran din nagtungo ang butihin Mayor Dondon Alcala sa lugar na halos magkasunod lamang silang dumating dito.
Na ayon kay konsehal Vic Paulo, ay tinipon aniya ng punong lungsod ang mga naapektuhan ng sunog at magbibigay ito ng tulong pinansiyal at iba pa.
At sa pamamagitan naman ng CSWDO ay namahagi ng mga relief goods gaya ng noodles ,sardinas at banig.
sa ngayon aniya ay inuumpisahang isinasaayos ang dating task force lucena upang gawan ng pansamantalang lutuan ng kanilang produktong tinapa ng sa ganoon aniya ay utay utay makabangon ang mga nasunugan. (PIO-Lucena/J.Maceda)