Bata pa lamang si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ay kasama sama na ito ng kanyang mga magulang kahit saan man sila magpunta at na pagpasyal ...
Isang batang walang nakaaway na noong ay nakatira sa Barangay Nueve at napakatahimik na bata ito.
Ito ang ilang sa mga nabanggit ni Konsehal Vic Paulo sa isinagawang interpulation sa sangguniang panlungsod at sa pagsuporta nito sa pribilehiyong talumpati ng kasamahan niyang konsehal na si Manong Nick Pedro.
Ayon kay Konsehal Paulo, nasubaybayan niya ito sa paglaki hanggang sa pumasok ito sa pulitika sa unang hakbang ang pagiging SK Chairman ng Barangay Nueve na kung saan ay dito rin siya nakatira.
Ayon pa dito wala itong nakalaban sa pagiging SK Pederation President ng lungsod ng lucena.
At dito aniya ay ipinakita nito ang maayos at pamamalakad bilang isang pagiging leader ng kabataan.
Hanggang matapos nito ang termino ng pagiging SK Pederation President.
Sinabi rin ni Paulo, maging si Vice Mayor Philip Castillo ay saksi rin sa at subaybay rin ang alkalde na noon ay lumaban ng konsehal at nagkasama silang tatlo sa konseho at nabansagan silang tatlong itlog kung kaya kilalang kilala nila si Mayor Dondon Alcala.
Dagdag pa nito na sa paglaban bilang Vice Mayor ng lungsod ng lucena si Mayor Alcala ay natapos nito ang tatlong termino at napakaganda ng track record sa sangguniang panlungsod at ganoon rin ang magandang pagseserbisyo nito sa lungsod ng lucena.
Samantalang nalulungkot lang aniya siya dahilan sa mgagandang pamamalakad ni Mayor Dondon Alcala sa bagong lucena ay napasama ang pangalan nito sa narcolist.
Maayos at magaling na leader na hinangaan ng kababayan natin lucenahin na siyang nagbigay ng malaking transpormation o pagbabago sa lungsod ng lucena.
Idinagdag pa ni Councilor Paulo, na sa kaniyang tingin ay maling impormayon ang nakarating sa Pangulong Duterte sapagkat kung mayroon nakakakilala kay Mayor Dondon Alcala ay isa siya dito
Kaya naman ay buong pagmamalaki nito na sinusuportahan nito ang punog lungsod sa nabanggit nito na hindi ito nasangkot sa droga. (PIO-Lucena/J.Maceda)