Patuloy na ginagampanan ng mga kapulisan para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod ng lucena. Sa tala ng mga ito ay may kabuuan...
Sa tala ng mga ito ay may kabuuan bilang na 546 total crime volume mula october 1, 2018 hanggang february 19, 2019 ay 408 na kaso ang nagkaroon ng kalutasan o may crime solution efficiency ng 74.73%.
Ito ang ilang sa nilalaman ng pribilehiyong talumpati ni Konsehal Vic Paulo sa isinagawanga regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan.
Ayon kay Konsehal paulo, nagpapatunay na ang ating mga kapulisan ay hindi nagpapabaya sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin na mapangalagaan ang ating mga mamamayan at mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa ating kumunidad sa pamumuno ni Lucena City PNP OIC Police Superientendent Reydante Ariza.
Sa panayam naman ng TV 12 kay Councilor Paulo bilang chairman ng peace and order sa sangguniang panlungsod.
Kaniya aniya binuksan ang usapin sa konseho upang malaman ng mga kasamahan niyang konsehal at ng mga mamamayan lucenahin kung ano yong kaganapan sa lungsod ng lucena.
Ayon kay Paulo, iniuulat aniya sa kaniya ni Col. Ariza ang mga accomplishment report ng mga ito.
Kaya naman sa kaniyang obserbasyon ay maganda ang mga ipinapakitang accomplishment ng mga kapulisan sa pamumuno ni Police Superientendent Reydante Ariza.
kung kaya naman kaniyang iminungkahi niya sa sangguniang panlungsod na mapagkalooban ng pakilala o recommendation ang mga ito.
Sinabi pa nito na sa nilolooban ng apat na buwan na pagkakaupo nito bilang hepe ng lucena pnp ay pababa ng pababa ang bilang ng krimen na nangyayari sa lungsod.
At patunay aniya na nitong mga nakalipas na linggo ng buwan ng pebrero ay bumaba ang krimen at ang mga naiiulat naman sa kanilang tala ay vehicular accident.
Samantalang ang komendasyon nito sa konseho na marapat na mabigyan ng pamahalaan panlungsod sa pamamagitan ng sangguniang panlungsod ng pagkilala ang lucena city pnp.
Ayon kay Paulo, bagamat kapirasong papel lamang ang ibibigay nila ay sa sagrado naman ito.
Sa huli ay sinuportahan naman ng mga kasamahan niyang konsehal ang naturang panukalang ito ni Konsehal Paulo na mabigyan ng komendasyon ang lucena city pnp at naipasa na rin ito sa first reading. (PIO-Lucena/J. Maceda)