Sa kagustuhang masaksihan ang galing ng mga manlalarong Lucenahin sa larangan ng basketball, nakipagtagisan ang koponan ng Mayor’s Team sa m...
Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcal ang naturang koponan at kasama niyang nakipaglaro sina Councilor Anacleto Alcala III, mga aspiring councillors na sina Engr. Danny Faller, Benito “Baste” Brizuela Jr., Engr. Jose Christian Ona, Engr. Wilbert McKinley Noche at Amer Lacerna.
Unang tinungo ng nabanggit na team ang Brgy. Ransohan at nakalaban nila dito ang ilang mga piling manlalaro sa lugar.
Naging kapanapanabik ang nasabing laban ng dalawang koponan na kung saan sa huli ay nagwagi ang mga manlalaro mula sa Brgy. Ransohan.
Sunod nito ay nakalaban naman nina Mayor Alcala ang mga manlalaro mula sa Brgy. 8 na malugod at masayang tinaggap naman ng mga residente dito ang kanilang team.
Sa umpisa ng laban ng mga ito ay naging dikit ang laro na kung saan ay nagpapalitan lamang ang mga ito sa kalamanagan ngunit sa pagdating ng huling bahagi ng laban ay naging table naman ang kanilang iskor dito.
Kasunod naman nakalaban ng Mayor’s Team ang mga piling manlalaro mula naman sa Brgy. 7 at bagamat sa lahat ng laban ng mga ito na kapana-panabik ay mas naging kapana-panabik ito dahilan sa huling yugto ng laro ay nagawang maitabla ng koponan ng Mayor’s team ang iskor at kahit na may natira pang ilang segundo sa laban ay hindi na nagawang maibuslo ng kalaban nina Mayor Alcala ang bola.
Lubos naman ang naging katuwaan ng mga manonood sa mga larong tinungo ng koponan ng Mayor’s Team dahilan sa muli nilang nasaksihan na makipaglaro ng basketbol ang alkalde ng lungsod.
Gayundin, nagpasalamat rin ang lahat ng mga opisyales ng barangay na kanilang pinupuntahan sa pagkakataong makahalubilo ang mga ito.
Ang pagtungong ito nina mayor Dondon Alcala sa mga barangay sa Lucena ay bilang bahagi ng kaniyang palaro ng Mayor Dondon Alcala Inter-Purok Basketball Tournament.
Isang paraan rin ito ng punong lungsod na makadaupang palad ang mga residente sa lugar at upang mas lalo pang malinang ang angking galing nga mga manlalarong Lucenahin pagdating sa larong basketbol.
Lalo’t higit ang pagnanais ni Mayor Dondon Alcala na mailayo sa masasamang uri ng bisyo ang mga kabataang Lucenahin. (PIO Lucena/ R. Lim)