Kasama si San Antonio Mayor Eric Wagan, nagtungo ang buong pwersa ng medical at dental team ng pamahalaang panlalawigan kasama si Gob. ...
Kasama si San Antonio Mayor Eric Wagan, nagtungo ang buong pwersa ng medical at dental team ng pamahalaang panlalawigan kasama si Gob. David C. Suarez sa Brgy. Pury, bayan ng San Antonio upang magsagawa ng libreng serbisyo-medikal para sa mga mamamayan ng nasabing bayan.
Nasa 560 na mga pasyente ang nabigyan ng libreng konsultasyon sa nasabing kaganapan kung saan ilan sa mga serbisyong hatid ay medical check-up para sa matatanda, pedia and pregnant ultrasound, basic laboratory tulad ng CBC, unrinalysis and RBS, optometry at dental extraction. Maliban dito, nagsagawa rin ng libreng eye checkup, pamimigay ng reading glasses at gamot.
Sa pambungad na pananalita ni Mayor Wagan, pinasalamatan niya ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Suarez para sa patuloy na pagbababa ng mga komprehensibong serbisyo at programa sa kanilang bayan.
Ayon kay Gob. Suarez, ang libreng medical mission ay naglalayong makapaghatid ng mas maaga at mabilis na tugon para sa mga pangangailangang medikal ng mga mamamayan sa lalawigan.
“Ito pong medical mission kung saan mayroon tayong dental kung saan nandiyan ang mobile diagnostics clinic ay mas nilalapit po namin ang tulong medikal para maaga palang kung mayroon po tayong nararamdaman maagapan agad natin ang problema at kung makakayanin po natin ang gamot nandiyan po ang gamot libre po naming ibibigay sa inyo .” pahayag ni Gob. Suarez.
Kinilala rin ng ama ng lalawigan ang bayan ng San Antonio sa pagpapatupad ng mahuhusay na proyekto tulad ng mga programa para sa mga buntis. (Quezon – PIO)