Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LUCENA PNP, HINIKAYAT ANG MGA LUCENAHIN NA SUPORTAHAN ANG PROJECT BLUE BOX NG KAPULISAN

Ang laban sa iligal na droga ay hindi lamang laban ng mga kapulisan kundi laban rin ng lahat ng mga mamamayan at upang mapanatili ang partis...

Ang laban sa iligal na droga ay hindi lamang laban ng mga kapulisan kundi laban rin ng lahat ng mga mamamayan at upang mapanatili ang partisipasyon ng komunidad sa pagbabantay ng kaayusan at katahimikan sa isang lugar, hinihikayat ng lucena pnp ang mga lucenahin na suportahan ang project blue box ng kapulisan.

Dahil sa mas pina-igting na community mobilization program ng lucena pnp, hinihikayat ni deputy chief of police police chief inspector marcelito platino ang publiko na maging mapagmatyag at makialam sa laban kontra droga.

Bukod sa mga impormasyong nakakalap ng kanilang grupo mula sa mga cluster leaders at mga barangay purok leaders, kakailanganin pa ng mga kapulisan ng dagdag na pwersa upang tuluyang masugpo ang isyu ng shabu.

Aminado si platino na madalas ay pinangungunahan ng takot ang publiko pagdating sa pagbibigay ng mga impormasyon hinggil sa mga anumalyang kanilang nalalaman.

Ngunit sa pamamagitan umano ng blue box, maaari nang makapagreport ang sino man hinggil sa mga katiwalian sa isang lugar nang hindi natatakot sa mga maaaring maging banta sa kanilang buhay.

Maaari umanong maghulog ng kapirasong papel sa blue box na naglalaman ng pangalan ng taong involve sa droga at eksaktong address kung saan ito matatagpuan. Maari rin aniyang maglagay ng numero at pangalan ng tipster kung nanaisin.

Bukod sa blue box, mayroon ring alternatibong paraan ang kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng mga nais na magbigay ng impormasyon.

Kung may sumbong hinggil sa mga gumagamit at nagbebenta ng shabu sa inyong lugar, mangyari lang na tumawag sa kanilang hotline 119 o mag-iwan ng mensahe sa kanilang cellphone number na 09070658944.

Bukod naman sa usapin ng iligal na droga, maaari ring mag-iwan ang sino man ng sariling opinyon, komento, at suhestyon hinggil sa iba pang isyu ng bayan na maaaring gawan ng aksyon ng kaapulisan.

Maging ang mga papuri at reklamo sa mga kapulisan ay maaaring ihulog dito.

Makakaasa umano ang publiko na ang lahat ng mga impormaysong kanilang makakalap sa blue box ay magagawan ng karampatang akyon at mananatiling kompidensyal.(PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.